Sunday, September 21, 2008

Conyo here, Conyo there, Conyo everywhere!

Nakakahiya man aminin, super delayedna nitong blog entry ko.

Ako ang nagmungkahi kay Sir Siao na kung pwedeng mapag-usapan ang paksang ito. Naisip ko kasing papatok ito sa ating klase lalo na at pinag-aaralan natin ang iba't ibang uri ng paggamit ng wika maging anu mang lengguahe ang gamit.

Noong Miyerkules sa aming klase(10-11:30), mayroong isang estudyante na gumamit nitong conyomandments bilang magiging panimula ng aming talakayan noon na "Language and Class". Tunay na nakakaaliw dahil lumaganap na pala iyon. Naging masaya at puno ng sigla ang lahat sa pagpapalit ng kuro-kuro ukol sa paksa maaaring nang dahil na rin sa paggamit nitong "10 Conyomandments".

Maging si Sir ay nagulat sa biglaang dagsa ng ideya sa klase. At tulad ng kanyang nasabi, naging patok sa lahat ang ganitong uri ng paksa dahil napapanahon ang mga tulad nito. Kaya hindi na rin magiging kataka-taka pa kung kinulang din kami sa aming talakayan. Ang bawat isa ay may mga natatanging karanasan na may kaugnayan dito. At dahil sa mga palitan na ito, marami kaming napag-alaman na posibleng naging ugat ng ganitong uri ng pananalita.

Marahil ang ilan sa atin ngayon ay nag-iisip na rin kung mga Conyotics din tayo. May mga basehan naman para masabing kabilang ka. Ngunit hindi naman ito sinasabing magtatakda na ng isang hadlang upang hindi magkaroon ng ugnayan. Tulad nga ng nasabi ng iba sa klase namin, may mga kanya-kanyang dahilan sa kabila ng mga tinatawag na conyo.

Nakatutuwang isispin dahil tila lumalawak na rin ang ganitong usapin. Hindi nakakasawang pag-usapan at magbibigay ng samu't saring pananaw na bubuo sa bawat kamalayan ng lahat. Sabi nga ni Sir, hindi pa raw ito ang kabuuan. (Grabe, kulang pa pala!)

Maaaring ang ilan sa atin ngayon ay napapaisip na, pero huwag mag-alala kapatid, hindi ka nag-iisa! ='P Kanya-kanyang trip lang 'yan. Sakyan na lang natin. (^-^)


Ten Conyomandments
by Gerry Avelino and Arik Abu
(taken from The La Sallian-Menagerie)

1. Thou shall make gamit "make+pandiwa" .
ex. "Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?"

2. Thou shall make kalat "noh", "diba" and "eh" in your pangungusap.
ex. "I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?"
"What ba: stop nga being maarte noh?"
"Eh as if you want naman also, diba?"

3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"
ex. "It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga, eh!"
"You're making me inggit naman.. I'll make bili nga my own burger."

4. When you are lalaki, make parang punctuation "dude", 'tsong" or "pare"
ex. "Dude, ENGANAL is so hirap, pare."
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh"

5. Thou shall know you know? I know right!
ex. "My bag is so bigat today, you know"
"I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!"

6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex. "I have so many tigyawats, oh!"

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. "Like, it's so init naman!"
"Yah! The aircon, it's, like sira!"

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. "Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?"
ex. "Like, OMG! It's like traffic sa LRT"
"I know right? It's so kaka!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. "I'm, like, making aral at the Arrhneo!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"

Inaasahan ko ang inyong mga opinyon, violent reaction, hinanakit at anu pa. Happy blogging!

~Lady of 10-11:30 class

2 comments:

Abby said...

Ang hirap makisama sa mga taong conyo. Minsan kasi nakikigaya ka na rin at nadadala mo ang ganung pananalita sa ibang kakausapin.

Pero sa totoo lang, nakakainis talaga ang mga tang ganun magsalita. Iba kasi ang impression pag ganun. Sinusubukan nilang maging mataas sa alta siyudad (tama ba yun?) at ang pagkukunwari na di marunong mag-Tagalog. Naku, lalo na nung nasa abroad pa ako- ang daming Pilipinong ganun! Buti nga di ko nakuha ang ganung pananalita. Halata naman na naging mapagmataas sila.

Hindi naman sa ako ay galit pero hindi kasi maganda. Oo nga at binabagayan ito at depende rin kasi sa sitwasyon.

Di ko sukat akalain na magkakaroon pa ng 10 Conyomandments na nakakatuwang isipin. Pinapakita lang na sa ibang campus, talamak ang ganitong pananalita. Hay...

-Abby Villaflor
MF 1-2:30PM

Kaye :) said...

Well, sa tingin ko, hayaan na lang natin sila kung ganyan sil a magsalita. Wag na lang nating isipin na sinusubukan nilang maging mataas o na may pinapatunayan sila. hehe.