Friday, September 26, 2008

mga nakakaaliw na "sayns"

Madalas akong lumabas o pumunta sa palengke namin. Kung gaano kadalas ako lumabas ay ganoon din kadalas ako makaita ng mga nakakaaliw na signs o mga pangalan ng tindahan. Siguro isa rin ito sa paraan upang makahatak o makattract ng customer ang isang tindahan. Madalas ko kasi ito nakikita sa mga maraming tao, madalas sa palengke, mall o kung saan lang maraming tao. Nakakakuha nga naman ng attention ito. Minsan nga ay natatawa ako mag-isa sa kalye kapag ako ay nakakakita. Naisip ko rin na minsan ay naimpluwensiya na siguro sa pamamaraan ang pagtext kaya doon nila binase ang pangalan. O kaya naman kung anu ang patok sa masa.
Isang flier sa molave dorm. Katulad sa nasabi ko kanina binatay siya sa pagtext o kung paano ipronunce ang SOSYAL…. XOX@L. akala ko nga noong una ay hugs and kisses yan.

isang panawagan na paalis na lang jeep. Mapapansin din na yung “A” sa aalis ay nakahiwalay.

Dumaan lang sa harap ko yan habang naghihintay ng jeep. Napansin ko lang na mali yung spelling.. hehe

Sa may SM north edsa ko ito nakita. Booth lang siya na nagtitinda ng mga soap. Well, obviously binase ito sa tawag natin sa mga primetime teleserye o “Soap Opera”

Matagal ko na itong nakikita kasi sa may tapat siya ng simbahan. Mayroon pa yang kasunod hindi lang nakuhaan. Yung next stall nakalagay: “BARBERO NATIN II”

Napansin ko lang na madalas din ang mga Pilipino ay binabase na lang nila ang pangalan sa binebenta nila. Katulad ng nasa larawan, nagtitinda ng mga electrical wires at light bulbs.

alam ko na hindi talaga yan ang totoong sign. Vinandal lang naman yan. So ang bagong meaning ay: NO PESO HERE…


Tag sa may bag counter sa may coop yan. Napatingin lang ako tapos ayon nabasa ko siya. Medyo Malabo yung picture pero nakalagay diyan: “F U LOSE / 10 PESOS” kitang-kita ang impluwensiya ng magpapaikli ng mga salita na katulad sa text.
Nakita ko ito malapit sa grand central sa may caloocan. Hindi ko malaman kung hindi lang nila napansin na nakasulat na ang itlog o sadyang sinadya nila. Hindi ko rin naman na tingnan kung puro itlog ang sineserve nila.. =P

Ito naman ay nakita ko sa may old balara malapit lang sa UP. Noong una ko itong nakita hindi ko alam kung ang dinedepict nito ay si Madeleine o dahil ang adjectives natin ay nagisismula sa panlaping ma- tapos dinagdagan nila ng English term ng sarap.

Naaliw lang ako sa sign na to. Sa may vinzon’s lang sa may sakayan ng jeep. Una, kasi nagrhyrhyme siya. Tapos, naiisip ko na siguro nagisip lang sila ng concept na mexicano para tugma sa tacos na binebenta nila

Itong susunod naman ay nagdedescribe lang sa binebenta nila, since nagbebenta sila ng mga fresh seafoods yung hilaw pa, sa may philcoa pala ito.


Malapit sa palengke ko ito nakita. Nahirapan akong kunan yan haha lagi kasing nagmamadali yung sasakyan. Ito talaga yung dati pa ay lagi kong tinitingnan hindi ko alam kung sadyang guilty lang sa selfish term nila at natatawa ako. Yung unang napansin ko talaga eh yung “SELL FISH”. Nilaro lang nila yung word na selfish. Tapos yung bangus republic na term, naalala ko lang yung republic of the Philippines, tapos natanong ko: marami ba talaga tayong bangus?

P.S. kung may Makita pa ako ay idagdag ko pa. pero sa ngayon ay yan na muna. Lugod kong tatanggapin ang inyong mga komento.
Magandang araw!!

~nerissa cruz~
1:00-2:30 WF


No comments: