maraming nagagawa ang pinoy na kakaiba. iab't ibang pakulo upang makakuha ng atensyon. ilan sa mga ito ay araw-araw nating nakikita. kahit saan tayo lumingon, mapapansin natin kung gaano kagaling ang pinoy sa paglalaro ng mga salita.
Nakita ko ito sa bulletin board ng CHK. 'Wazzup bro?', isang pagbating pinaikli mula sa what's up brother?
isang komiks sa dyaryong Libre. Pinagsamang unggoy at inggitero. Noong araw na ito, isang joke tungkol sa tatay ang nandito.
Mula ito sa Plato Wraps. Marami sa mga food stands ngayon ay gumagamit ng mga pangalang nagmula sa mga existing words katulad nitong wrap 'n roll na galing sa rock and roll.
Sa robinsons place manila ko ito nakita. Karaniwang ginagamit ang omg bilang shortcut ng oh my god! o kaya oh my gosh!. pero ito, oh my gifts! ang ibig sabihin ng omg.
Marahil nagmamadali lang ang mga gumawa nito. Napansin ko kasing ~kibala~ ang nakalagay na dapat ay "kabila". Nakita ko ito malapit sa CS at mula ito sa mga manggagawa roon.
'Oohh Lala' ang pinagmulan nito. Ang eau ay galing sa 'eau de toilette' o toilet water at ito na rin ang sikat na tawag sa mga pabango.
Una ko itong nadiskubre sa gilid ng AS. Isang food stand na nagtitinda ng pagkaing nakapaibabaw sa inumin. Kerrimo ang tawag na nagmula sa CARRY MO dahil madali siyang dalhin (ata).
First part pa lang ito at sana'y makakita pa ako ng mas maraming signs upang maibahagi sa inyo..
~jazelle~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment