Sunday, September 21, 2008

more catchy establishment names



Heto ang ilang pictures na nakunan ko sa SM Fairview at sa may malapit sa entrance ng Old Balara malapit sa UPD.






Nakunan ko ito sa may palabas na ng UP. Sabi ng ilang kakilala ko, may iba't-ibang branches na rin ito tulad ng nasa may Krus na Ligas. Kita dito na ginaya ang brand name na "Osh Kosh" na isang kids' apparel.







Heto naman ang nakunan kong isang Barber's Shop sa SM Fairview. Mula sa salitang airport na kung saan luma-landing ang mga eroplano, ginawa itong "Hairport" na kung saan "luma-landing" ang mga nagpapagupit. ü









Ito ay sa SM fairview ko rin nakunan. Ang naisip ko naman dito ay 'yung word na "showbiz" na nilaro ang spelling at letters para mag-fit sa sapatos na main na binebenta nila. "Shoe-biz".






Heto pa ang isa pang establishment sa SM Fairview. Kung tama ang pagkakaalala ko, magkatabi o halos magkatabi lang sila ng Shūbizz. Ang pangunahing binebenta ng store na ito ay accessories, hence its name, Axxezz.

No comments: