Kaugnay ng special project na ibinigay ni Sir Siao ay naghanap ako ng mga bagay na maaring kunan ng larawan at i-post sa ating group. Ito na po yung mga larawan na ipinasok ko sa yahoogroup natin. Nakunan ko ang mga ito sa paglilibot ko sa UP at sa aming lugar malapit sa SM North EDSA. Napakiusapan ko rin ang aking kapatid na kunan ng larawan ang ilang mga foodstalls sa loob ng PUP Sta. Mesa (nabanggit kasi niya sa akin na marami daw kakatwang pangalan ng stalls doon)
Mga Pangalan ng Negosyo
Gutom na me!!!! Gotomee na. Ang foodstall na ito ay matatagpuan sa PUP Sta. Mesa.
Sumisitsit ang pangalan ng tindahan na ito sa PUP Sta. Mesa
Batay sa pangalan, pinahahatid ng foodstall na ito na sila'y nagtitinda ng malalaking siomai. Hindi ba't ang mga sumo wrestlers ay malalaki? Katulad nila ay malaki din ang SUMO MAI. Matatagpuan ang foodstall na ito sa PUP Sta. MesaSumisitsit ang pangalan ng tindahan na ito sa PUP Sta. Mesa
Itlog on stick....sounds like hotdog on stick.... Iba lang sa pandinig kapag nasasambit kaya medyo natatawa ako.
I.T. Log Park ito pero kung sa malayo babasahin aakalain mong Itlog Park kasi 'di makikita yung tuldok
Ang sign na ito ay nakuha ko sa harapan ng parking area ng isang internet shop. Noong una ay nagtataka ako kung bakit naging itlog related ang name ng net cafe na ito hanggang sa marealize ko na ang Itlogerz ay hango sa salitang I.T. loggers.
Isa naman itong pangalan ng laundry shop sa Road 8 , Pag-asa, Quezon City. Hango sa salitang what's up what's up
Mga Babala, Patalastas Atbp.
Nagbabanta ang babala na ito sa sinumang susuway. Bagamat seryoso ay napangiti ako nang mabasa ko ang sign na ito. Natagpuan ko ito sa may terminal ng FX sa Bago Bantay, Quezon City.
laVandera?
Mali ang spelling ng Text---bakit naging texe? natagpuan ko ito sa Palawan St. Sto. Cristo, Quezon City
Isang patalastas ito na naghahanap ng isang English tutor. Mukhang mali ang pagkakagamit niya ng mga salita. natagpuan ko ito sa UP malapit sa main library
Ito ang kabuuan ng add na una nang nabanggit
I need a tutor
I am 1st year high school
I want only females
I want teacher who can teach me English, Science, Math
I want tutor who are and not absent
I WANT TUTOR TO BE SINCERITY
Magaling mag-isip ang nagpaskil ng patalastas na ito. Tiyak na siya sa kwalipikasyon ng sinumang taong lalapit sa kanya.
Ang patalastas na ito ay nagbuhat sa Dulaang UP. Nakakatuwang magpantig ng mga salita....ngayon lang ako nakabasa ng ganitong add. Ang tono na nabubuo habang binibigkas ang mga salita ay angkop sa mensahe at tanong sa add na ito.
Ang add na ito ay natagpuan ko sa UP College of Law. Naghahanap sila ng mga babaeng basketball players ngunit sa halip na balls ang gamitin, ginamit nila ay belles...sa wikang filipino ang belle ay maganda
Ginaya ng patalastas na ito ang logo ng sikat na Singing Bee ni Cesar Montano. Isang patalastas ito sa UP College of Law
Batid kong seryoso ang mensahe ng babala na ito ngunit kakaiba kasi sa nakasanayan ang paraan ng pagkakapahayag ng mga salita kaya sinama ko na rin.
Nakakatawag ng atensyon ang patalastas na ito dahil sa ginamit na titulo.
Narito ang kabuuan ng add sa taas.
Nakakatawag ng atensyon ang patalastas na ito dahil sa ginamit na titulo.
Narito ang kabuuan ng add sa taas.
Isa itong add para sa ACLE noong nakaraaang Agosto. Ginamit nila ang titulo ng sikat na pelikula na Sex and the City upang bumuo ng sarili nilang titulo. Ang kanilang topic ay tungkol reproductive health.
ASS kicking Freshness!!! natagpuan ko ito sa UP College of Law. Nakakatuwa ang pagiging mapaglaro nila sa mga salitang ginamit.
Maraming salamat po sa pagkakataong ito. Isa po pala akong estudyante ni Sir Siao sa Filipino 40 WF 2:30-4:00. Maghihintay ako sa inyong mga komento :). Salamat!
Note: Yung ibang pictures ko pala dito ay may logo ng multiply kasi kinopya ko lang yung URL galing sa mutliply account ko. Ayaw kasing mag-upload ng files ko kapag browser ang ginagamit.
--Krystel Hervosa
Note: Yung ibang pictures ko pala dito ay may logo ng multiply kasi kinopya ko lang yung URL galing sa mutliply account ko. Ayaw kasing mag-upload ng files ko kapag browser ang ginagamit.
--Krystel Hervosa
No comments:
Post a Comment