Sunday, September 21, 2008

Isang Tugon hinggil sa Ulat tungkol sa Wika at Uring Panlipunan

Sir Siao,
Tungkol po doon sa report, medyo naguguluhan po kami kung ano po talaga yung focus. Language and class po dapat related so, paano po namin gagawin yun? Landlord po kasi sa amin at napili po namin yung Cojuangco clan particularly yung Haciend Luicita.
Nag-research na rin po kami at madalas ay tungkol sa issues about the labor dun sa hacienda, ano naiimpluwensiyahan ng Cojuangco sa CARP, etc.
Pwede po ba na explain nyo ulit Sir. Nabasa na po namin yung link na naka-post sa Yahoo! Groups. Gagawin po ba namin na pattern iyon for our reporting?
Thank you po.

(galing kay abby)

**********
gagamitin ninyo yung article ni amado guerrero tungkol sa mga uri sa lipunang pilipino para malaman ang background ng mga taong napapaloob sa uring panginoong maylupa (landlord). para sa report, humugot kayo ng isang statement ng landlord, in your case, maganda siguro isang statement mula sa mga cojuangco responding to the hacienda luicita incident. kung wala kayong makita, any official statement will do (i.e. lawyers etc). o kung wala pa rin, anything na sagot ng mga cojuangco hinggil doon. sakaling wala kayong makita talaga, baka magandang i-discuss ninyo kung bakit wala. bakit di lumabas gaano sa media.

hindi talaga wika ang dapat na focus ninyo, ibig sabihin, hindi naman grammar o sentence ang pinag-uusapan. nung sinabi kong tuklasin ninyo kung "paano magsalita ang napili ninyong uri", ang ibig kong sabihin, sa papaanong paraan nila tinatangkang protektahan ang uri nila, o sa kaso ng mga naghaharing uri (landlord at burgesya), kung papaano nila tinatangkang mapanatili ang current status ng lipunan kung saan sila nagdodomina. naniniwala kasi ako na makikita ito sa mga pananalita nila laluna sa mga kasong nakakapag-stir ng kasalukuyang kaayusan ng lipunan, laluna kung lumalabas sa mass media, gaya ng naganap sa luicita.

No comments: