Mula sa artikulo na INSIDE STORY: PROMISED LAND
Ulat ng naunang grupo (WF 1:00-2:30PM)
Tungkol sa mga Landlords (may-ari ng lupa)
Hari ng Lupa o landlord. Nakakatawa man ang direktang transleysyon ng salita pero malalim ang pwedeng pakahulugan nito.
HARI=KAPANGYARIHAN. Hawak niya sa leeg ang mga mangagawa niya. Ito ang mga mangagawa na buong buhay ay pinalago ang kaniyang lupain. Gamit ang yaman na nagmula sa kaniyang mga lupain, napapaikot niya sa kaniyang mga kamay ang nais niyang mangyari at isa na rito ay ang paggamit ng dahas para lamang masilbihan ang kaniyang sariling interes. Isa na dito ay ang pag-exploite sa mga tao na sakop niya. Paniningil ng sobra-sobra sa upa, pagkuha ng kanilang parte sa ani na kung mamarapatin ay dapat wala silang parte, at walang pangalandangang paggamit ng labor ng mga mangagawa. At dahil ang kapangyarihan = impluwensya, natatabunan ang kabulukan ng pamamahala nila sa pamamagitan ng paggamit ng impluwensya ng mga organisasyon na malaki ang hatak sa masa-mangagawa. May mga programa din kuno sila - libreng health services, scholarship, pautang at kung anu-ano pang pampaloko. At heto naman ang ating mga kawawang mangagawa, nahulog sa patibong at nagtanim pa ng utang na loob.
Ngunit saan nga ba galing ang yaman? Galing lang naman siya mga kapatid sa humigit kumulang 6,000 ektaryang lupain!
HARI=YAMAN. Dahil sa mala-buwayang pagpapatakbo ng mga landlord sa kanilang hawak na mga lupain ay hindi na dapat tayo magtaka kung bakit ang mga landlord na ito ay siyang may-ari rin ng mga naglalakihang mga establisyemento at kompanya. Isa ito sa mga naging laro nila para hindi maipamigay ang mga lupain na pinagmumulan ng kanilang yaman at kapangyarihan sa mga mangagawa nilang mula pagkasilang ay sila na ang pinagsisilbihan.
The landlord class represents the most backward and reactionary relations of production and hinders the development of the productive forces. It is the main obstacle in the political, economic and cultural development of the Philippines.
Tungkol sa Hacienda Luisita
Ang Hacienda Luisita ay may sakop na 6,000 hektarya ng agrikultural na lupain na mayroong tubo bilang pangunahing produkto. Ito ay pinaliligiran ng tatlong malalaking munisipalidad ng Tarlac. Ito ay ang Lungsod ng Tarlac, Concepcion at La Paz. Ang Hacienda Luisita din ang nagdadala ng titulong "pinakamalaking plantasyon ng tubo sa buong Asya".
Noong 1958, ang Hacienda Luisita ay napunta sa pagmamay-ari't pamamahala ni Jose Cojuanco, Sr. mula sa orihinal na Kastilang may-ari, ang Compania General de Tabacos de Filipinas (Tabacalera). Upang matugunan ang mga pangangailangan sa kagamitan sa pagsasaka at patubig, kinakailangan ni Cojuanco ng P10M. Ito ay nakuha niya mula sa isang loan na inaprubahan at ibinigay sa kanya ng Government Service Insurance System (GSIS) alinsunod sa isang kundisyon. Isinasaad ng kasunduang ito na ang lupain ay ipapamahagi sa mga residentang mambubukid at manggagawa pagkatapos ng 10 taon. Sa kabila nito, matapos ang 10 taon, ang pamilya Cojuanco ay hindi sumunod sa mga nasabing kundisyon ng loan. Ito ang nagsimula ng pagsiklab ng alitan sa pagitan ng may-ari ng lupain at ng mga manggagawa nito.
Ang pangunahin at kontrobersyal na usapin rito ay ang reporma sa lupa kung saan ang mga programa nito ay nakapaloob sa proyektong CARP (Comprehensive Agrarian Reform Progam) sa ilalim ng rehimeng Aquino (dating pangulong Corazon Cojuanco-Aquino). Nakasaad sa CARP ang distribusyon ng lupain, hindi kasama ang usapin tungkol sa produksyon, sa mga regular na manggagawang bukid na walang lupain. Ngunit ang mga kasunduang ito ay nabahiran nang mas paburan ang ideya ng Stock Distribution Option (SDO). "We did something different in Luisita. Whereas farmer-beneficiaries have to pay for the land or the stocks they got, the Luisita workers were getting stocks for free. They were also going to be given a percentage of the gross sales. More than 90 percent voted for the stock-option plan, where they become owners. They all realized that to run a sugar plantation, unlike rice farming, requires a lot of capital", banggit ni Aquino tungkol sa desisyon tungkol sa SDO. Sa halip na lupa ang ipamahagi sa mga manggagawang bukid, ipinamahagi sa ilalim ng iskemang SDO ang mga sapi ng korporasyon sa mga manggagawang bukid na "mapanlinlang" na itinuring na kabilang sa mga may-ari ng asyenda dahil kung susumahin ay 30% lamang ng kabuuang pag-aari ng Hacienda Luisita ang napupunta sa kanila at ang natitirang 70% ay nanatili sa kamay ng mga Cojuanco. Sa madaling salita, ang tumataginting na 70% ang napupunta sa iisang pamilya habang ang daan-daang pamilya ang naghahati-hati sa kakarampot at tira-tirang 30%. Isa pa, ang dibidendong napupunta sa mga magsasaka ay nakasalalay sa mga araw na itinatrabaho nila at hindi sa kabuuang tubo ngb korporasyon. Samaktwid, P200 kada taon lamang ang halagang naibibigay sa kanila.
Ayon pa sa isang balita kung saang serye ng mga kilos-protesta ang isinalubong ng mga manggagawang bukid sa hindi makatarungang malawakang tanggalan sa Hacienda Luisita, Inc. (HLI), sinabing nakakatawa ang pagsasampa ng kasong trespassing sa mga manggagawang bukid na kunwari ay mga stockholders ng HLI at kung gayon ay mga may-ari ng kumpanya.
Ang isa pang kinakaharap na problema ng mga manggagawang bukid ay ang napakababang sahod na P90 kada araw na kinikita nila na malayung-malayo sa P280 na legal minimum daily salary sa Gitnang Luzon.
Sources: - http://www.rmaf.or.ph/Awardees/Biography/BiographyAquinoCor.htm
http://www.bughaw.com/?p=113
http://www.dar.gov.ph
akosipaeng.blogspot.com
http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/ab/text.pl?issue=20031107;lang=pil;article=04
Sa likod ng pahayag ni Don Pedro Cojuangco
Mula sa napili naming article na sinulat ni Susan Berfield (INSIDE STORY: PROMISED LAND), ito ay isang excerpt mula sa nasabing artikulo na naglalaman ng naging pahayag ni Don Pedro, ang family patriarch: "The people and their problems will always be with us," says Don Pedro, the family patriarch, as we sit on the verandah of the hacienda clubhouse. The Cojuangcos say they couldn't just break up the property and walk away. So they gave the farmers stock in the hacienda instead. The family speaks about its responsibilities to the farmers, the requests for money or more work, the cost of the free medical care the hacienda provides, the training they offer, the factory jobs they are trying to create in a new industrial estate. At Hacienda Luisita and other landholdings large and small, paternalism is a matter of pride.
Batay sa pahayag ni Don Pedro, makikita natin na napaka-defensive ng dating nito at pinapakita nila talaga na kahit hindi nila ibinigay ang napagkasunduan (ayon sa napagkasunduan, ipapamahagi ang lupa pagkaraan ng sampung (10) taon), ginawa naman ng mga Cojuangcos na "stockholders" ang mga magsasaka. Pero may problema pa rin hinggil dito dahil although ginawa na nga silang "stockholders" ng nasabing hacienda, tila ang mga Cojuangcos pa rin ang may hawak at nagpapalakad nito. Useless din at panakip-butas lang yung pagtawag sa farmers na may hawak ng stocks ng hacienda dahil 'di naman magrarally at magrereklamo sila kung totong stockholders sila 'di ba?
At hindi lang iyon ang banat o pambawi na pahayag ng mga Cojuangcos, sinasabi din nila na bukod sa co-owners sila eh may mga benepisyo pa! Kumbaga, pinaparating na dapat matuwa pa at maging kontento ang mga manggagawa dahil hitik sa benepisyo.
Isa pang pahayag hinggil roon ang sinabi ni Rep. Benigno "Ninoy" Aquino III, Jose Cojuangco's grandson and Ninoy's son, na sa Luisita daw, ang Management ay inaalagaan ang kanilang mga workers from "womb to tomb." " 'In times of boom, we shared. In times like this of compounding debts, there must be also some sharing of the burden," he said.' " (Manila, November 12, 2004 - the STAR)
Meanwhile, bakit ba ang hirap para sa kanila na bitiwan ang lupa at 'di tumupad sa napagkasunduan?
Itong pahayag na ito ay hango rin sa isang artikulo sa the STAR entitled, DON PEPE'S HEIRS VOW TO SAVE HACIENDA LUISITA): "... the Cojuangco family is struggling to save the hacienda, not just because of its sentimental value to them, but also because it is a source of livelihood for over 5, 000 workers and home to over 15, 000 people."
Dito, sa tingin ko, pinapalabas pa nila na, ops, 'pag nawala sa kamay nila ang pamamalakad ng hacienda, mawawalan ng trabaho at tahanan ang mga dati nang nagtatrabaho at naninirahan doon. Eh kung binibigay na nila 'yung lupa sa mga karapat dapat na may maymayari noon, edi hindi na sila umaasa sa maliit na sahod lamang at kumikita na ng pangsarili nila.
Ang mga pakahaluguan o hidden implication ng mga Cojuangco
Paternalism style ng mga Cojuangco sa magsasaka
Madalas nating marinig na sinasabi ng mga landlord, lalo na sa statement na aming napili, ang salitang Paternalism. Ang kahulugan nito ay ang relasyon sa pagitan ng ama at ng kanyang anak o di kaya naman ay ang pagkokontrol ng may-ari sa kanilang pangkabuhayan.
Lagi itong sinasabi ng mga landowner. Lagi din na maganda ang pakahulugan nito. Pinapakita nito na maganda ang trato ng landowner na si Don Pedro Cojuangco sa mga magsasaka. Ito ay sa pamamagitan ng mga di mapantayang benepisyo na na nakukuha ng mga magsasaka sa kanila. Ang pag-aalala o concern nila sa mga manggagawa ay ang paternalism na kanilang tinatawag. Pero sa kabila ng magandang pakahulugan ni Don Pedro Cojuangco, may hidden implication ito kung ating susuriin.
Dito pumapasok ang konsepto ng “Patron-Client Network,” ang relasyong politikal ng mga magsasaka at may-ari ng lupa. Base dun sa nakalap na impormasyon ito ay nangangahulugan na, “an exchange relationship or instrumental friendship between 2 individuals of different status.” Ito ay kung saan ang patron ay ang landowner na “uses his own influence and resources to provide for the protection and material welfare of his lower status client and family, who for his part, reciprocates by offering general support and assistance, including personal services, to the patron.” Ito ay isa sa mga sinasabing political discourse among the landowner at marahil sa mga magsasaka, na ang landowner, ayon dun sa kahulugan, ay sinusuportahan ang anumang makakabuti sa kanilang mga trabahador. May nabanggit din na from “womb to tomb” ang kanilang suporta at walang makakahigit sa suporta na binibigay ng mga Cojuangco sa magsasaka.
Ang paternalism na ito ay nagpapakita lamang ng reciprocal relationship. It still carries a built-in inequality. Ang client sa framework (magsasaka) ay oppressed pa rin.
Oo nga kahit ginawang co-owners ng mga Cojuangco ang magsasaka, lumalabas pa rin na ayaw ng mga Cojuangco na ibigay ang karapat-dapt sa kanila. Kapalit nito ginamit nila ang paternalistic style of relationship, co-owner nila ang mga magsasaka at sila pa rin ang pinuno ng nasabing lupain. Pumapasok dito ang isa pang konsepto ng “Bossism.”
Ang bossism ay may kahulugan na, “A sophisticated brigandage- an examination of the complex processes which inequality, indebtedness, landlessness, and poverty are created has highlighted how so-called patrons have- through predatory and heavily coercive forms of primitive accumulation and monopoly rent-capitalism- expropriated the natural and human resources of the archipelago from the broad mass of the production, thereby generating and sustaining the scarcity, insecurity and dependency which underpins their rule as bosses.”
Farmer’s stock (being the stockholders of the Hacienda Luisita)
“So they gave the farmer’s stock instead.”
Nung nakuha ng mga Cojuangco ang Hacienda Luisita noong 1958, ito ay dahil sa government loan, under the condition that the land would be distributed to the farm workers after ten years.
Instead, in 1989, President Cory Aquino implemented a phony agrarian reform program, whereby instead of being given a land, the farm workers became the ‘stockholders’ instead of the Hacienda Luisita, Inc.
Ang ganitong uri ng pamamalakad ay sang-ayon dun sa CARP. Ang isa sa mga may-ari mismo ng lupa ang nagpatupad nito. May pagpipilian ang mga landowner kung ibibigay nila ang mga lupain o gagawin na lamang ang stock distribution option (SDO). Ang nangyari dito ay ang 33% of the shares of the company were given to the farmers and 4,000 hectares of the land was covered by the law. At sinabi din, defensive statement ng mga Cojuangco, na 90% of the farmers voted for the SDO than outright distribution of the land.
Kahit na hati-hatiin pa nila ang mga hacienda, sabi ng mga Cojuangco, less than a hectare lang ang matatanggap ng mga magsasaka. Mas maigi na raw ang ganitong framework kung saan lahat sila ay makikinabang.
Kitang-kita naman kung kanino ang bias ng pagsasabatas mg mga lupain, nasa Cojuangco pa rin. Ang pagiging stockholders ng mga magsasaka ay isa lang sa mas marami pang dahilan kung bakit lumalaki ang isyu ng di paghahati-hati ng mga lupain ng Cojuangco sa mga magsasaka.
Bagkus, ang nabibiktima dito ay ang mga maliliit na landowner na naawa sa mga magsasaka at binibigay ang sa magsasaka ang parteng lupain.
Isa na lamang ito sa napakalaking isyu na ang pagiging exempted ng mga landowner sa outright distribution pag pang-export ang kanilang business. Sino pa ba ang mga nakikinabang? Syempre ang mga nagsisilakihang landowner na kayang kontrolin at paikutin ang batas. Totoo nga na ang Political affair is a family affair.
Sources:
www.public-conversations.org.za/_pdfs/anderson_12.pdf
www.philippinerevolution.net/cgi-bin/ab/text.pl?issue=200112;lang=eng;article=08 - 25k -
AsiaNow: Asia Week. www-cgi.cnn.com/ASIANOW/asiaweek/98/1023/nat6.html
Paano nga ba magsalita ang mga taong kabilang sa upper classmen?
Sa Pilipinas, hindi makakailang ang sagot nito ay, "Madalas, salitang banyaga ang kanilang ginagamit sa pakikipagtalatasan" na hindi naman kaila sa atin. Maaari nating sabihin na ang dahilan nito ay dahil sa likas na ganoon ang nakagisnan nilang pananalita, pero maari pa rin nating itanong, "Bakit ito ang nakagisnan nila?" o sa mas maliwanag na paraan, "Bakit hindi salitang Filipino ang ginamit nila?”
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang salitang banyaga(salitang ingles, in particular) ay nakakatanggap ng mataas na respeto. Kapag matatas kang magsalita ng ingles, iisipin ng karamihan na ikaw ay may mataas na pinag-aralan, o di kaya naman ay galing sa mayamang angkan. Isa itong paniniwala na dapat buwagin!
Halimbawa, sa mga panginoong may-lupa o landlords, ang karaniwan nilang ginagamit sa mga interview ay ingles? Bakit nga ba? Kung 75 porsyento naman ng kanilang sinasabi ay patungkol sa mga mahihirap na mas gugustuhing Filipino ang wikang dapat nilang gamitin?
Balik tayo sa nakaraan(rewind), nang tayo ay sakop ng Espana, ang mga prayle ay mas piniling huwag tayong turuan ng salitang espanyol dahil nangangaba silang malaman natin na inaabuso nila ang batas, at mag-alsa ang mga Pilipino.
Balik sa kasalukuyan, maari natin itong ihalintulad sa mga paraan ng mga landlords. Ngunit, hindi lang yan ang dapat maging saklaw ng tanong na ating pinag-uusapan. Pansinin ang isa sa mga statement ni Don Pedro, isang Cojuangco, higgil sa isyu ng Hacienda Luisita : "The people and there problems will always be with us" (Inside Story: Promised Land by Susan Berfield).
Ano ang napansin mo?
Kapansinpansin na ang gustong palabasin ni Don Pedro ay karamay sila sa anumang problemang kinakaharap ng kanilang manggagawa- ang mga paghihirap nila. Ngunit nabanggit na kanina na sila rin mismo ang nagbibigay ng pasakit, o di kaya naman ay kontribusyon, sa paghihirap na 'to.
Philippine politics is a Family Politics
Karamihan sa mga politiko ay magkakamag-anak (Arroyo, Cayetano, Pimentel etc.). Naging motto na nila ang 'sundin ang yapak ng aking mga magulang'. At alam natin na hindi na ito bago sa ating sistema.
May mga bali-balita na kaya pinakasalan ng dating pangulong Ferdinand Marcos Si Imelda Romualdez dahil sa politika. Mapag-aalamang si Imelde noon ay galing sa pamilya ng politiko- si Daniel na pinsan ni Imelda ay House Speaker nang panahong iyon at ang kanyang tiyo ay dating speaker. Sa kasalukuyan, si Imee Marcos na anak nila ay nasa Kongreso.
Noong 1954, pinakasalan ni Benigno Aquino jr. si Corazon Cojuangco, sila ang may pinakamakapangyarihang pamilya sa Tarlac. Dahil sa mga ito, pwede tayong magbigay ng konklusyon na ang kasal ay naging paraan para sa mga pampolitiko nilang ambisyon. Upang lalong mapalakas ang kapit nila sa masa.
Hindi lang sila ang nasasankop sa ganyang uri ng sitwasyon, at kung ang dahilan man nila'y pulitika, sila lang ang tunay na nakakaalam noon.
-Ulat nina:
Abigail “Abby” Villaflor
Patricia “Tricia” dela cruz
Jedieryn “Jed” Jane Moreno
Ria Ison
JM Boquilon
FIL 40 WF (1:00-2:30PM)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
thanks for this report. it's been a big help for my project...
Post a Comment