Sunday, August 31, 2008

Filipino Word Play


Dahil sa nabanggit na proyekto ni Sir Siao tungkol sa Word Play, nakakuha ako ng mga litrato tungkol dito. Napatunayan ko na napakalawak ng imahinasyon ng mga Pilipino at mahilig mag-adapt ng mga sikat na pelikula, establishments, phrases, etc. at gawin itong related sa kanilang business.


Ilan ito sa mga litrato na nakunan ko kailan lang:

Ang popular na Pinoy Big Burger na hango sa Pinoy Big Brother. Nakita ko ito sa may Kalayaan Avenue. Actually, madami na itong branches sa mall.


Big Mak! Sa may Anonas. Halata naman na hango ito sa Big Mac ng McDo.


Ito naman ay isang salon sa Anonas din. Imbis na sikat- chikat na! Marahil dahil na rin sa usong-uso na gay lingo. Mapapansin na puro "ch" ang simula ng salita sa lenggwaheng ito.


Nakikita naman sa imahe na ito'y money changer. Di ko maisip kung farewell or free will ang hango nito. Assumption: Marahil dapat bukas sa loob mo ang pagpapautang o kaya naman ay hindi labag sa kalooban mo.

Ang pinakapaborito ko sa lahat- Wishing Well to Washing Well. May pagka-related naman siya dahil sa elemento ng tubig.

Kung nais ninyong makita ang iba ko pang pics na nakuha, maari lamang na bumisita sa Yahoo! Groups natin. (fil40nisiao).

Isa nga pala ako sa mga estudyante ni Sir Siao, Fil40class. Masaya ako dahil ginawa niya ako na isa sa mga awtor ng blog na ito.

I'm looking forward to your comments and pictures in our Yahoo! Groups.

-Abby Villaflor
Fil40 (1:00-2:30PM WF)

7 comments:

krystel said...

Ang halimbawang ito ay isang patunay lamang na napakamalikhain talaga ng mga Pinoy.

Napansin ko rin na kahit saang lugar ka magpunta sa bansa ay hindi talaga mawawala ang mga ganitong eksena.
Parte na ng buhay Pinoy ang maging malikhain at masayahin.

Napag-aralan ko rin sa isang business plan class na ang mga ganitong Business Names ay isang strategy upang makatawag ng pansin sa mga customer.Hinahaluan ng humor ang pangalan upang tumatak sa isip ng mga makababasa.Ang mga taong matatawag ang pansin ay maaaring sumubok ng kanilang serbisyo o produktong ibinebenta at eventually ay magiging parokyano na. Ang mga sikat na halimbawa nito ay ang
a. Shubizz - isang tindahan ng mga sapatos
b. Folded and Hung - clothing retail store
at marami pang iba.

Datapwat may naikuwento ang isa kong guro na halimbawa ng business name na hindi bumenta.
Ito ay isang restaurant daw diumano sa Boracay na may pangalang "ABU SARAP".
Kasagsagan noon ang kaguluhan sa Mindanao na kinabibilangan ng Abu Sayyaf Group nang itatag ang kainang ito. Hindi bumenta ang nasabing restaurant marahil ay bunga ng negative connotation ng pangalan.

krystel said...

Krystel Hervosa, WF 2:30-4:00 class

Abby said...

Abu Sarap? Napaka-kontrobersial naman nung name na iyon. Buti nabanggit mo yan. Talagang may negative connotation yung name na yan.

Thanks for the comment.

Abby Villaflor
1-2:30PM

henry said...

sa aking palagay... nagawa ang mga establisyimentong ito upang madaling makaakit ng "costumer"

gumagawa ng paraan ang mga Pilipino upang sa ganun ay maging takaw pansin ang kanilang serbisyo sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga nakakatuwang pangalan

henry Liquete
2:30 - 4:00

Unknown said...

haha.. natuwa ako masyado sa mga larawan. hindi niyo ba napansin na ipinapakita ng mga ito ang isa sa identidad nating mga Pilipino?
hindi naman siguro bago sa atin na may ugali tayong mga Pilipino na mahilig manggaya.
Sa tingin ko hindi lang dahil isa ito sa magandang estratehiya para manghikayat ng mga 'consumers' kundi dahil natural na ito sa atin. ano sa tingin niyo?

pearl benjamin said...

how catchy! wala pa akong nakikitang ibang names so far or di lang ako observant. i'll try to find some. haha!

Unknown said...

Nakakatuwa talaga ang mga ganitong pangalan ng establisyemento, kahit hindi pa man tayo bumibili ng produkto nila ay nasisiyahan na tayo. Tama nga na kahit saang lugar merong ganito. Share ko lang yung mga names na nakikita ko pag umuuwi ako sa Cavite.
"Hari Pata"(galing sa movie na Harry Potter)
"Jumborger"
"Blue Cab"
"Green Cab"
"Labaditz"
"Labadito"
Meron pa nga na cell phone repair shop na ang spelling ng "cell phone" ay "celfon" na. Sayang nga lang hindi ko nakunan ng pictures ang bilis kasi ng bus.:)

-tin- WF10-1130 class