Mapapansin na hindi sinusunod ng mga ito ang tamang pagbaybay ng mga salita at may halong paglalaro sa mga letra.
Karaniwan na ang mga ganito ngayon lalo na sa mga text messages, chat messages at e-mails. Sa mga text messages lalo na ang mula sa mga early teens at ilang teenagers, ang "s" ay ginagawang "z", ang p ay ginagawang "f", ang "b" ay ginagawang "v" at minsan, ang dulo ng mga salita ay nilalagyan pa ng "h" kahit di naman kailangan.
Dahil siguro sa uso ito at madaling makatawag ng pansin, ini-apply ang ganitong istilo sa mga pangalan ng business establishments.
dito, pinalitan ng "f" ang letrang "p". Mas kapansin-pansin nga naman ito kaysa salitang Prito. Bago ko kinunan ng letrato ang stall na ito sa Baclaran, nagpaalam ako sa nagbabantay at kinausap ko na rin siya. Tinanong ko siya kung bakit naisipan ng may-ari na gawing frito ang prito, ang ibinigay niyang dahilan sa akin ay Spanish daw kasi 'yung may-ari. Sabi niya, sa Spain daw, may mga words daw na F ang gamit instead of P. Humingi ako sa kanya ng halimbawa pero busy daw siya e, nag-fifrito pa siya ng manok, este, nagpiprito pala.
katulad din ito ng nasa itaas na larawan. Dito, pinalitan ng "v" ang "b" sa salitang labandera, naging "lavandera mo". kinausap ko ang nagbabantay at tinanong ko rin siya kung bakit un ang pangalan ng laundry shop nila, at ang ibinigay niya ngang dahilan ay mas nakakatawag daw ito ng pansin sa mga tao.
Nakita ko ang poster na ito habang nakasakay ako sa tricycle sa ParaƱaque. Agad nitong naagaw ang pansin ko, ang "kaibigan" ay ginawang "kai-Vigan". isa pala itong food stall sa Lianas at ang mga pagkaing tinda nila ay mga kilalang luto mula sa Vigan, Ilocos.
Ito naman ay larawan ng Logistics company sa ParaƱaque, ginawa itong LEOgistics. Gabi na nung kinunan ko ang larawang ito kaya di ko na nagawang makakuha ng impormasyon kung bakit leogistics ang ipinangalan dito. Naisip ko na lang na siguro, Leo ang pangalan ng may-ari.
Isa naman itong halimbawa ng salitang Ingles na binaybay sa tagalog na pamamaraan. "quick", naging "kwik".

larawan naman ito ng promo poster ng Lot's a Pizza. Ang Wonderful ay naging Onederful.
Ad naman ito ng NAIA. "we go the extra SMILE". Parang double meaning ang dating nito, we go the extra MILE, and along the way, passengers can expect to see SMiLE from the airport personnels.
halimbawa naman ito ng paggamit ng isang sikat o kilalang pangalan. Hango mula kay Harry Potter ang pangalan ng bilyarang ito sa Baclaran, naging Harry Spotter.
1 comment:
Hindi na ako magbibigay ng detalyadong comment, naalala ko yung isang usapan sa klase.
Yung usapan ay tungkol sa power of words. Nakatutuwang isiping sa very busy at capitalist na environment natin ngayon "nabibigyang kapangyarihan" pa rin natin ang mga salita sa pamamagitan na lamang ng paglalaro sa mga salita.
-ube
Post a Comment