Wednesday, September 24, 2008

signs, signs, and more signs

Nang makita ko ang ipinapagawang special project at mga halimbawa ng mga ito, naalala ko agad ang mga litratong nakuha ko na noon. Buti na lang din at naalala ko pa rin kung saang CD ko pa ito nai-burn. Puwedeng matalas lang talaga ang alaala ko o talaga nga namang katanda-tanda ang mga salita sa mga litrato. Tulad nito...


Nakunan ko ito sa banyo ng Ateneo High School library. Nagpunta kami doon ng mga kaibigan ko para mag-research sa paper namin noong Fourth Year. Ang nasa isip ko noon, "Ang conyo talaga ng mga taga-Arrrneeoo." Puwede naman kasing purong Ingles o Tagalog na lang ang ginamit. Sa ngayon, mahirap nang i-generalize ang mga Atenista o Lasallista man na mga conyo. Marami rin namang iba ang nagsasalita na ng conyo.


Balak ko sanang maglaan ng araw na mag-ikot at kumuha ng mga litrato para sa proyektong ito pero hindi ko na ako nakagawa ng oras para doon. Buti na lang at marami-rami naman akong nakita sa araw-araw kong "paglalakbay."


Naalala ko rin na nakita ko ito minsan nang bumisita ako sa UPM.
Hindi lamang ito mali dahil kulang ang nais sabihin ng karatula,
mukha pang nakaturo ito mismo sa banyo ng mga babae.



Ito'y nakuha ko sa gilid ng CBA sa may parking lot ng SE.
Dahil pinapaganda at inaayos ang mga gusali sa ating kampus,
tama lang na maglagay sila ng mga karatulang tulad nito.
Sana nga lang ay marami sila para mapabilis ang trabaho. :p



Hindi masyadong malinaw ang nakasulat sa likod ng damit ng mama.
Ang nakalagay dito ay "FASTRAK Services, Inc."
Na-research ko na ito ay isang outsourcing o offshoring industry.



Nagaabang ako ng trak sana na tulad sa mga halimbawang naipakita.
Ngunit ito ang
nakuha ko sa may Magallanes.
Mabuti man ang nais iparating ng may-ari ng dyip,
mali ang pagkakasulat at nagiging tao si Thank.



Nakunan ko ito sa Kalayaan Avenue sa Makati.
Halatang nag-aayos si Manong Beare ng mga bentilador.
Maaayos niya ang bentilador mo "while...you wait!"
(Nakita ko rin ang ganitong parirala sa Blessings sa FC. 'While "you" wait' naman.)



Ito naman ay nakuha ko sa tabi ng Metrowalk.
Nagkataon na nadaanan namin ito at kinunan ko ng litrato.

Hindi pa ako nakakapasok dito at hindi ko alam
kung anong klase ng pagkain ang sini-serve dito.

'Di kaya English? Comfort food na pala ito? Joke lang!


Nang makaipon na ako ng mga litrato, naisip ko na mas maigi nga na hindi ako nakapag-ikot dahil sigurado rin namang may makikita akong mga karatula na kailangan ko. Kahit dati pa man ito naitakda, siguradong may mga karatula na ring makukunan noon. Walang pinipiling panahon at lugar ang mga karatula.


Ipinapahiwatig nito na ang wikang Ingles ay may napakalaking impluwensiya sa mga Pilipino kahit na minsan ay mali ang paggamit dito. May mga pagkakataon din naman na tama naman ang mga salitang nakalagay sa karatula, ngunit mukhang hindi pa rin ito naiintindihan ng ilan. ;p

[PLEASE PARK FACING THE WALL]

No comments: