Monday, August 18, 2008

Wika at Pinoy Sexy Films

Hindi ko matandaan kung saang class ko tinalakay ang Pinoy sexy films at kung bakit ko natalakay ito. Gayunpaman, ibubukas ko na rin sa talakayang ito ang naturang paksa. Interesting ang genre na ito ng Philippine cinema dahil isa ito sa mga pinakabuhay sa pelikulang Pilipino. Merong pantawag dito sa bawat dekada mula nang lumabas ito noong 1960s. Bomba noong dekada 60. Wet look noong dekada 70. ST o Sex Trip noong dekada 80. TF o titillating film noong dekada 90. Pero tila wala pa sa kasalukuyang bagong milenyo.

Dalawa ang posibleng etimolohiya ng "bomba" noong 60s. Sa Amerika, simula 1954, ginamit ang salitang "bomb" bilang kasingkahulugan ng "tagumpay" na siguradong dulot din ng mga tagumpay na nakamit sa pageeksperimento sa malalakas na tipo ng bomba (dam busters, hydrogen bomb). Sa panahon ding ito lubhang kumuha ng mga impluwensiya sa Hollywood ang marami sa mga movie producers. Pero ang pinakamatinding impluwensiya sa pagkakaroon ng terminong ito ay ang tagumpay ng hydrogen bomb experiments sa Bikini Atoll noong 1950s.

Kasama sa mga ipinagbawal sa panahon ng Batas Militar ni Marcos simula 1972 ang bomba films. Napilitan tuloy ang mga manlilikha ng pelikula na irebisa ang paraan ng paggawa ng sexy films. Imbis na ipakita ang nakahubad na babae, at para makalusot sa sensura, binasa na lamang nila ang suot na kamison. Pinakasikat sa ganitong uri ng pelikula si Gloria Diaz sa pelikulang Pinakamagandang Babae sa Balat ng Lupa (1974).

Noong 80s naman nauso ang ST films na in-adapt ni Manny Villar sa slogan niyang "Sipag at Tiyaga, Sikap at Talino" noong pambansang halalan ng ay 2001. Sa dekada 90 naman huling nagkaroon ng kataga ang Pinoy Sexy Film sa anyo ng TF. Marahil, dahil na rin sa tindi ng sensura sa kasalukuyang dekada, kasamang naglaho ang termino kasabay ng paghina ng naturang industriya.

14 comments:

henry said...

sa aking palagay... ang paghina o pagkawala ng mga ganitong palabas ay dahil sa pagpapatubad ng ilang batas ng MTRCB....

ngunit.. dito naman natin makikita ang galing ng mga Pilipino, na kahit ipinagbawal ang mga ganitong uri ng palabas ay nakakagawa padin ng paraan na makalusot o makamit ang hinahangad na palabas nang walang nilalabag na batas.

Sa aking pagkakaalam, sinusubukang magpasa ng isang "bill" na ipinagbabawal ang malalaswang babasahin tulad na lamang ng FHM Philippines, Penthouse Philippines at iba pa.

henry said...

07-45934
Henry Liquete
W F 2:30 - 4:00 class

krystel said...

Kaya po siguro biglang nawala ang industriya na iyan ay dahil po sa mga ilang patakaran na ipinatupad ngayon(ayon na rin sa pahayag ni

henry).

Isa ko pa pong naisip ay marahil naging abala na rin ang mga producers at film makers sa ngayon sa ibang larangan.
Mas patok po kasi ngayon sa masa ang mga lovestories tulad ng "A very Special Love" at kung anu-ano pang mga pelikula na may mga "kilig factor".
Napansin ko po kasi na karamihan sa mga pelikula na pinalalabas ngayong dekada ay halos lovestories.Baka po kasi sa ngayon ay panahon ng love stories film to bloom.

Napuna ko rin po na wala na din o kung meron man ay bihira na ang mga action films. Natatandaan ko nung bata ako ay sikat na sikat sina Bong Revilla, Rudy Fernandez, Lito Lapid, Cesar Montano at Robin Padilla. Pero ngayon po ay wala na akong nakikilalang artista na sumisikat dahil sa action films.

Marahil ay nagbago na ang panlasa ng mga Pilipino sa pelikula.

Krystel Hervosa, WF 2:30-4:00 class

Abby said...

Magaling talaga ang mga Pinoy at nakakalusot pa rin kahit na may mga ipinagbabawal ang mga ganitong uri ng palabas noong panahon ni Marcos.

Ang alam ko nga ay dahil na rin sa pagbabawal na ito, tanging figure na lang ng babae at naka-kamison na lang sila. Dahil na rin sa pagkakatatag ni Marcos ng Bagong Lipunan, nagkaroon ng sense of nationalism sa mga pelikula at naging in favor na sila sa gandang Pilipina. Nawala na ang mga mestiza na bold stars at naging uso na ang mga morena at gandang Pilipina.

Ang unti-unting pagkawala ng ganitong pelikula ay dahil na rin sa pagbabago ng taste sa pelikula ng mga tao. Alam naman natin na wala naman mabuting idinudulot ito sa lipunan kaya naghanap na ng ibang genre ang mga direktor. Isa pa dito ang malakas na impluwensiya ng simbahan na ipagbawal o pagkakaroon ng censorship. May pulitika din naman kasi nga isa sa mga malalakas na sektor ang simbahan at tayong mga Pilipino ay kahit papaano sumasang-ayon dito.

Sa kabilang dako, mapupuna ko rin na kakaunti na lang ang mga batikang pelikula o movies ngayon sa sinehan. Nawawala na ng importansya o halaga kasi kakauntin na lang sa atin ang nanonood ng films. Di daw tulad dati na talagang madami at may saysay ang mga pelikula. Maraming nababanggit ang aking auntie dahil noong college niya, naku! madami daw magagandang pelikula at sikat nga noon sina Vilma Santos at Nora Aunor. Pero marahil ngayon, sa dami na ng artista at nagbabagong takbo ng panahon, lalo na epekto ng commercialization, wala na gaanong magaganda at may sense talaga na films, movies or series.

Dapat nga isa ito sa mga inaasikaso o binibigyang pansin eh. Natatandaan ko tuloy yung Ploning (yung kay Judy Ann Santos), although di ko siya napanood, mukhang napaka-ganda ng setting ng palabas.

jm_boquilon said...
This comment has been removed by the author.
jm_boquilon said...

sino-sino lang ba ang nanonood ng mga sexy films? diba halos mga kalalakihan lang din?

hindi na siya masyadong patok sa takilya ngayon dahil nariyan na ang INTERNET. Lahat naman tayo diba na may access sa internet world ay alam na may milyon-milyong porn sites na nagkalat na bigla na lamang gugulat sa'yo habang seryoso kang gumagawa ng paper sa SC.

Ika nga ng kaibigan ko na paminsan-minsan ay sumisilip sa ganitong mga sites, "Bakit pa kailangang pumunta sa mga sinehan at pilit na itinatago ang sarili kung pwede din namang gawin ito ng palihim?"

Haha. Naalala ko tuloy ang pila noong nakaraang linggo na halos lahat ay kalalakihan mula UP Film Institute hanggang sa tapat ng UP Alumni Center. Tapos nabasa ko na lang, Now Showing: Torotot (Free Admission).

mik said...

kaya siguro po nawala ang mga lumang produksyon o palabas ay dahil nga sa mga nabanggit na ng mga naunang naglagay na kanilang mga sariling puna. pero sa akin po, bukod sa tampok ang mga "kilig factor" movies ay mapapansin din po nating nakakahiligan ng mga pilipino na magpalabas ng mga korean novela tulad ng dalja's spring,sa taiwanese ang sikat dati na meteor garden na hanggang ngayon ay meron pa rin sa QTV channel,sa japanese ang artificial beauty.lahat ng yan ay sinasalin sa tagalog upang maintindihan ng mga pilipinong manood at maakit at maganahan silang manood. isa rin dito ang mga anime na paborito ng mga batang panoorin.
hindi naman ito masamng gawin pero hindi po ba, dito pwedeng magsimula ang isang pagbabago ng produksyon o mga films. tulad na lamang po ng panood na "my girl" sa abs-cbn at "ako si kim sam-soon" ng GMA na ginaya nila ito sa mga korean novela at ginawang ang mga pilipino ang gumanap sa mga karakter. sa tingin nyo ba 8 years from now o kaya sabihin na nating 4 years from now hindi na magiging original ang mga pinapanood ng mga pinoy?gagayahin na rin nila ang iba pang mga intsik na palabas at gawin na lamang pinoy ang gaganap ng mga karakter nila??

michelle "mik" bitog
1-2:30pm

A.Paul said...

Ang pagkaka-alam ko po, si Henry Sy ang nag-deliver ng finishing blow sa industriya ng sexy films. Hindi naman nating maitatanggi na sa nakaraan na dekada, kung sinehan ang pag-uusapan, mall kaagad ang pumapasok sa isip. At dahil nga SM ang may pinakamalaking mall corporation sa bansa, malaking dagok sa mga sexy films nang magpasya si Henry Sy na ipagbawal sa kanyang mga sinehan ang pagpapalabas ng mga pelikulang rated R, lalo na pagdating sa mga lokal na pelikula.

-A.Punzalan, 10-11:30 class

rissajean said...

pero makikita pa rin paminsan-minsan ang mga ganitong pelikula yung iba nga ay ginawang parang katulad kay asia agcaoli yung guru thing? (hindi ko maalala ang tamang title). pero ngayon di ba may mag pinapalabas pa rin katulad ngayon yung torotot?? maaring sabihin na may ilang batas na ipinatutupad na ngayon ngunit hindi kaya marami pa rin ang tumatangkilik sa ganitong movie genre kung ganya't nagpapalabas pa rin sila?

~ nerissa cruz ~

kmlfl said...

Narinig ko dati na kaya daw bumabagsak na ang industriya ng mga ganitong pelikula ay dahil na rin nauuso na ang mga home-made sex videos. Kung tama ang pagkakaalala ko, sabi sa balita, ngayon daw ay naglipana ang mga ganitong klaseng videos sa mga nagbebenta ng mga pirated DVDS sa mga tiyangge. Naniniwala rin ako na dahil na rin sa paggamit ng Internet ay mas marami ng nakaka-access sa mga porn sites o kaya'y mga sites na may ganitong uri ng palabas. Mas malawak ang sakop ng internet, mas maraming puwedeng makita.


-karina lardizabal :D 1-2:30

unexpected said...

naku, nabanggit 'ata ni sir sa amin isang beses na maselan ang paggamit ng katagang "bomba" dito sa net. haha. naalala ko lang.

Tungkol sa usaping ito, sang-ayon ako sa mga naunang nasabi. Nagkaroon na kasi ng mga sektor tulad ng MTRCB na sumusubaybay sa bawat palabas hindi lamang sa mga pelikula maging sa telebisyon. Hindi ko nga ba alam kung bakit hindi pa nag-eelect ng bago, ang tatag naman niya sa mga ganitong uri ng usapin. Ang alam ko nga hindi lang basta bibigyan ng rating na "passed", meron pang rated A,B,C ..Eh hanggang anong letra ba 'yun?

Kahit naman unti-unti rin naglaho ang mga ganoong uri ng pelikula na pinapalabas sa mga movie houses, napalitan naman ito ng naglipanang pirated copies na DVD's at VCD's. Hindi rin pahuhuli ang mga websites, scandal sa cellphones at kung saan pa. Naalala ko 'yung nabasa ko sa isang article, sabi niya, "Kung ano ang masarap, 'yun daw ang bawal."

'eto ba 'yun?

Lady of 10-11:30 WF class

ninarrs said...

Bukod sa pagkawala ng mga tinaguriang sexy films, mas mahalaga iyong punto na sa bawat dekada may katawagan na sumasakop sa lahat ng sexy films. Matalino talaga ang buong sangkatauhan dahil ang isang dekada na punong-puno ng iba't ibang pangyayari, ay naitatawag o napapa-simple ang pagkilala gamit lamang ang isang salita o isang parirala o phrase. Napansin ko rin na ang mga Pilipino, pagdating sa pagbibinyag o pagbibigay ng kataga sa isang aspeto ng lipunan, hindi ito masyadong istrikto sa pang-hihiram. Kung nakuha ang pangalan o kataga sa wikang Ingles, ito na rin ang ipapakalat o kakalat sa mga kaisipan ng mga Pilipino. Tulad nga sa makikita sa blog na ito. Wet Look kung wet look at Sex Trip kung sex trip. Wala ng pagsasalin pa.

Isang pang halimbawa ng pagpapasimple sa isang dekada ay ang tawag sa iba't ibang henerasyon base sa dekada. Tulad na lamang sa dekada ng ating mga magulang na binansagang mga ”Baby Boomers”. Ito ang kataga dahil, ayon sa aking ina, noong dekada ’80s ay marami sa kanila ang nag-aanak na nagresulta sa paglaki ng populasyon. Sa dekada naman natin ngayon, natawag tayong "Texting Generation". Sa dinami-dami ng mga pangyayari sa henerasyon ng mga kabataang Pilipino, nagagawang ilarawan sila(o kami) sa isang paraan---mga kabataang may malaking pagkahilig at pag-'rely' sa pagtetext. Sa umaga pagkagising, cellphone ang hawak, hanggang sa pagtulog, cellphone pa rin ang hawak dahil hindi makakatulog ng hindi nakakapagtext ng ”gud nyt!” sa mga kaibigan o ka-ibigan. Kaakibat na rin nito ang ibang katangian tulad ng pagiging kuripot o matipid dahil mas pinipili ang magtext(piso lang) kaysa ang tumawag.

Sa ganitong paraan, nakikita na napakalakas ng pwersa ng wika. Sa pamamagitan lamang ng isang salita o parirala, nahahango ang iba’t ibang katangian o kaisipang may relasyon sa inilalarawan nito. Nagagamit din ang mga salita upang bigyan ng iba pang ibig-sabihin upang mapansin o mapag-usapan tulad ng ginawa ni Villar sa kanyang slogan na may S at T. Sinadya man o hindi, naging matagumpay naman si Villar sa kanyang hangarin dahil siya na ngayon ang nasa mataas na posisyon.

Nina Ramos 2006-33251
WF 2:30-4:00 pm Class

Del said...

Sabi nga nila, tayong mga Pilipino ay gagawa't gagawa ng paraan upang makuha o magawa ang gusto natin. Sa pagiging "diverse" ng mga sexy films noon, makikita natin ang pagkamalikhain ng mga direktor at producer ng mga films na iyon. Siguro added factor na rin ang mga pangalan na ibinigay sa mga sexy films noong dekada 60s, 70s, 80s, at 90s. Dito rin makikita ang pagiging "adaptable" ng mga Pilipino sa mga dayuhang idea. Sikat din sa Amerika ang "wet look"; mayroong mga pelikula kung saan pinapakita ang "wet t-shirt scene."

Del said...

Delaney Miram
WF 2:30-4