Wednesday, August 13, 2008

Umbrella/Payong (10-11:30 class)

Ito ang nahanap kong popular na translation ng kantang "Umbrella" ni Rihanna. At least dalawang bersyon na sa Filipino ang narinig ko sa TV pero ito ang naaalala kong mas ginagamit. Bukas sa anumang komento ang blog na ito. Available sa youtube ang english at filipino version ng kantang ito kung gusto nyong pakinggan.

You have my heart
And we'll never be worlds apart
May be in magazines
But you'll still be my star
Baby cause in the dark
You can't see shiny cars
And that's when you need me there
With you I'll always share
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

These fancy things, will never come in between
You're part of my entity, here for Infinity
When the war has took it's part
When the world has dealt it's cards
If the hand is hard, together we'll mend your heart
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

You can run into my arms
It's OK don't be alarmed
Come here to me
There's no distance in between our love
So go on and let the rain pour
I'll be all you need and more
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

It's raining
Ooh baby it's raining
Baby come here to me
Come here to me
It's raining
Oh baby it's raining

=============================

pangarap ko
sana tayo’y di magkalayo
ang tangi kong hiling
ay ang pag-ibig mo

dahil sa ‘ting mundo
ikaw ay matutukso
ningning at karangyaan
ang nais makamtan
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag kang lalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

ating bituin
kailan ba mararating
tayo’y magniningning
pagkatapos nang dilim

umiikot ang mundo
para sa akin at sa yo
liliwanag ang lahat
pag-ibig ay sapat
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag ka lang malalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

sukob na sa payong ko
yakap ko ang init mo’t tanggulan (tanggulan)
kahit bumuhos ang ulan
payong ko’y nakalaan
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag ka lang malalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

umuulan ohh umuulan… umuulan…
umuulan ohh umuulan… ohh umuulan… umuulan… (2x)

31 comments:

gucci said...

ayan.. first comment ako.. hehehe.. anyways, ang napansin ko dyan, parang ginamit lang yung tono ng umbrella.. i don't consider it as a translation kasi parang magkaiba na yung story at meaning nung dalawang kanta.. mas maganda yung kay rihanna kasi me class and yung sa pinoy ay medyo cheap.. kasi yung sa orig, di ba yung ella, ella, eh eh eh me class.. yung sa tagalog parang robot at sirang plaka yung line na katumbas nun..di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde.. hehehe.. feeling ko di nabigyan ng justice nung nagtranslate yung umbrella.. yun lang for now..hehehe..

unexpected said...

Nakakabaliw.
But I find this one such a nice topic! Naman!

Fine, umbrella when translated to tagalog is called 'payong' (one point na sila doon..haha)..

Anu nga ba ang dahilan nila upang gumawa ng ganitong version? Napansin ko kasi na ang mga Pilipino lalo na sa mga mahilig kumanta at gumaya (literally) ay may tendency na dapat kuhang kuha 'yung song..Well, for this song,hindi ko alam kung kakantahin pa ito ni Rihanna kung marinig niya ito *laughters*..

Pangalawa, patok kasi ang mga ganitong genre ng kanta ngayon. Maaaring naisip nila na mas papatok pa ito sa mga Pilipino kung mas maiintindihan ito. Since in English ang kanta, iilan lang naman ang mas makakaunawa. Ang iba nga kapag tinanong mo kung bakit nila gusto ang kanta, sasagutin ka lang na "eh kasi ang ganda nung song..feelko 'yun! (Sige, 'kaw bahala!) See? Not knowing the lyrics, the true meaning of the song eh may pa-feel feel na silang nalalaman.. Ang iba pa, basta masabayan ang ending word, 'yun na 'yun! Sabi nga ng ilang batang narinig ko, "When the sunshine sunshine together..." Tama na sa kakatawa, seryosohin muna natin ang usaping ito.

May pinaglalaanan ang mga ganitong uri ng kanta! Hindi ako papayag na wala! Humilera lang naman sila sa mga Novelty songs eh. Worst nga lang..hai.

Well, hindi ko rin alam kung considered uso na 'yan (huwag naman sana) kasi sa ASAP at SOP kanina, hindi lang Umbrella/Payong ang kinanta nila.. =')

Unknown said...

uhhmmmm..... ang umbrella na song is kind of better of wag nalang itranslate talga...... as what was said in the previous comment, hindi naman related yuung translated version dun sa original version ng umbrella..... pero the more na nagiging open sa public ang media, particularly sa internet, the more na maaadvertise nga naman yung song, thus magiging popular. magkaroon man ito ng bad comment or good comment, it kind of served its purpose kasi siya naman laman ng usapan. and somehow people are ammused to this song kaya nagcclick ito lalo na sa ating "masa".

unfortunately, sa tingin ko pwede maging basis ito para masukat yung social status natin... perception ko kasi, "payong" has been labelled as a novelty song, tapos marami din ang may gusto sa kantang itoh,na "masa". nakikinig sila sa translated version na walang connection dun sa original, pati pa nga yata ang theme hindi gaano related.

somehow its better if we just stick to making good ORIGINAL PINOY MUSIC that of VST and CO., SIDE A, and other opm bands and not borrow the tune and translate something na naggaling sa mga banyaga.

-paolo, 10-1130 class

unexpected said...

By the way, am Unexpected..
Lady of 10-11 30 class

A.Paul said...

Well, at least po honest naman ang mga gumawa nito at na-credit pa rin kahit papaano ung original song. Marami na din po kasi akong narinig na local songs na rip off lang ng mga foreign songs. Maaaring sabihin lang nila na "inspired by" lang ang mga naturang kanta, pero para sa akin po kasi ang "inspired" eh iyong tipo na parang overall feel lang ng kanta o at most 5 seconds lang ang ginaya. Meron po kasi na buong chorus na ung ginaya, as in same chords and beat, if not buong kanta ang ginaya.

Pero mas maganda po kesa sa inaasahan ko yung tagalog version, kasi kahit papano serious naman sila sa pagtranslate, as in iyong essence o diwa lang ng kanta ang isinalin, at hindi iyong Michael V. style na word for word ang pagsasalin. Pero medyo nakakairita rin po itong ginawa nila, since may pagka-seryoso nga. Unlike yung mga ginagawa ni Michael V. kung saan alam mo na it's just for laughs. Itong tagalized song na po kasi na ito ay parang may "bandwagon vibe", na tila ba gusto lang makisakay ng ilang tao sa popularidad ng katha ng iba at pagkaperahan 'to.

Isa pa pong obserbasyon ko e mas pang-novelty song nga ang tagalized version na ito gaya ng sinabi ng iba kong kaklase, since sa beat pa lang iba na ung feel ika-nga, saka kapansin-pansin din po ang laganap na paggamit ng mga synthesized sounds na madalas maririnig sa mga novelty songs

-A. Punzalan (10-11:30 class)

plokiju said...
This comment has been removed by the author.
plokiju said...

sa tingin ko ay may pagkamababaw nung pagkakatranslate nitong umbrell into payong.
kasi yung sa umbrella ay hindi naman tungkol sa payong talaga pero tungkol ito sa pakikipagkaibigan(sa tingin ko), na parang nagtutulungan at laging nandiyan para sa isa't-isa, at gagawin ang lahat para sila ay magkasama hanggang sa huli. kung ano ang naabot nung isa ay gagawin ang lahat para maabot din ng kaibigan niya ang naabot niya.
sa payong naman, ang interpretation ko dun ay tungkol sa magkaibigan na nagseshare nung payong na yan, makikisilong lang, na kahit bumagyo man o umaraw ay matibay pa rin yan. well may pagkakaibigan din dun pero hindi gaanong malalim ang pagsasamahan. magkaibigan lang sila kahit anong mangyari.

tics said...
This comment has been removed by the author.
tics said...

tics here!

tics said...

Mga kantang ingles na tinagalog...

Napapansin ko nga na medyo dumadami na ang mga ganitong kanta, mga kantang literal na mula sa ENGLISH ay isinasalin sa wikang FILIPINO. Hindi naman sa sardo ang isip ko sa ganito o ayaw ko totally sa mga ganitong kanta na lumalabas pero sa pagtatranslate ng mga kanta ito nababago yung mismong kahulugan ng kanta kahit na isinalin lang nila ang mga ito sa Filipino.
katulad na nga lng ng kantang umbrella/payong, kahit na pareho ang tonong ginamit pag yung tagalog na yung mapapakinggan hindi siya ganung akma o magandang pakinggan. Hindi ko alm kung ang dahilan lang ba nito ay nasanay ako na english yung lyrics nung kanta. At isa pa dito yung lyrics na nilapat sa kanta pagtinagalog ay pangit na pakinggan...

Ayon ang napansin ko hinggil sa topic na ito..

vivi :) said...

I agree with Paolo na ang payong ay maaari ngang i-categorize as a novelty song. Personally, I don't like the fact na we are translating Popular Hit Songs today in our own language. May ilang akong naiisip na implications ng mga ito.

Una, masasabi ko na dahil sa panggagaya na ito hindi na ganun kalakas ang industiya ng OPM sa ngayon. Pinapatunayan lamang nito ang pagkahilig nating mga Pinoy sa musika ng ibang bansa. At ipinapakita din nito ang pagtangkilik natin sa mga ideya at istilo ng paggawa ng musika ng ibang bansa.

Ikalawa, nawawala ang "creativity" at "originality" sa mga makabagong kanta sa ngayon. Maaaring iconclude ng isang tagapakinig na katulad ko na wala na silang maisip na bago at mas magandang kanta na magiging "hit" din sa lahat ng Pinoy.

Ngunit di rin naman matatanggi na talagang pinapakinggan ito ng masa. Para sa akin, mas ikagaganda ng industriya ng musikang Pilipino kung susubukan nating gumawa ng makabago, original at distinctly ours na mga kanta and music. :)
ayun lang.. :P

janel of 10-11:30 class..

Unknown said...

I-outline co muna ung mga points na napansin co.
1.Singer
2.Tagalog vs. English
3.Lyrics

SINGER
Ang kantang Umbrella ay pinasikat ng artist na si Rihanna.
Kilalang kilala siya at madalas kinakanta/pinatutugtog ang mga kanta niya.
Sa madaling salita, naestablish na niya ang sarili niya bilang isang artist worthy of imitation.
Tayong mga Pilipino hindi papahuli diyan at ayun na nga, narinig na natin ang dumaraming kantang tulad ng Umbrella na tinagalize.

Eh sino ba yang nagta-Tagalize ng mga kantang yan?
Hindi naman siya kilala. At ung pakay naman niya ay malamang hindi ang mang-insulto o magpatawa. So malamang marami ang magtataka at/o maiinis.

Isipin natin, kung sa umpisa pa lang ay local artist na ang kumanta niyan eh baka umpisa pa lamang ay maiinis na tayo sa ka-eh eh eh eh eh eh niya diba?

TAGALOG VS. ENGLISH
Una, maraming Pilipino ang nakapagsasalita ng Ingles.
Pangalawa, marami pa rin sa atin ang Isip-Kolonyal.
Tinatangkilik natin ang mga kantang banyaga at/o mga kantang nasa salitang banyaga.
Not that I’m saying that we don’t listen and/or like OPM songs. Pinapatronize lang talaga yung mga kantang ang lyrics ay nasa swikang Ingles.

Usually, 3 lang ang reaction ng tao sa mga ganyan eh, ang matuwa, ang mainis, o NR. ;]
Kasi sa tingin ko ang pagTagalize ng mga kanta ay isang form of deviation sa kung ano na ang nakasanayan (from English to Tagalog) kung kaya’t nawiwirduhan ang tao. Diba? (Parang yung nasa readings natin. Sana tama ung associations na ginawa co. ;] )

Isisingit co na rin dito ang kantang “Sukob na”. Hindi ba’t tungkol din naman ang kantang ito sa ulan, pagkakaibigan at payong? Ngunit hindi naging prevalent ang violent reactions towards the said song. Tinangkilik din iyon. Originaling Tagalog na yung kanta. Walang deviation na nangyari.

LYRICS
Hindi ba’t and Umbrella ay isang love song? Ang lyrics nito ai tumutukoy sa isang love story. Kakaiba nga lamang na ang bida sa kwentong ito ay isang inanimate object---ang payong.

Ngayon, ating pansinin ang lyrics ng tagalized version. Sa analysis na ito isantabi natin ang “refrain” at “chorus”. Hindi ba’t napakapoetic niya? Mas passionate nga yung lyrics ng Payong kaysa Umbrella eh. ;]

PostNotes:
Tapos na ang napakahabang komentong ito. Pasensya na at malaking space ang inokupa co at marami acon sinabi. Napagpapalit co nga pala ang K at C, ang I at Y.

That’s all. ‘Till then! ;]
...Ube...

kiyev 06-78788 said...

"Itong tagalized song na po kasi na ito ay parang may "bandwagon vibe", na tila ba gusto lang makisakay ng ilang tao sa popularidad ng katha ng iba at pagkaperahan 'to."

-ano pa nga ba. Ang napansin ko lang sa mga Filipino writers, mapa kanta, TV series, o movies man ang mga linya nila, parang hindi na nawala sa kanila ang colonial mentality.
Ang hilig hilig nila kumuha ng eksena, tema, story line, at characters mula sa western films, songs, at iba pa. Kung mapapansin ninyo, mula ng nauso ang mga soap opera, hindi na nawala ang bahid ng panggagaya. Ang mga temang inuulit ulit ay tungkol sa mahirap na babae na nakapag-asawa ng haciendero na sa ngayon ay napalitan ng businessman dahil sa paglaganap ng korean films at series.
Wala namang masama kung kukuha tayo ng theme mula as mga dayuhan. Ang nangyayari kasi, kinukuha ng mga writers ang character, nag-aasign ng mga Filipino artists, binabago ng kaunti ang story, at iyon na- ang Filipino version ng kim sam soon at marami pa. Isang beses ko lang napanood ang pinoy version ng kim sam soon. Hindi ko na ito binigyang pansin dahil sa halatang hindi naman totoo o at least man lang maloloko ako na mataba nga si Regine Velasquez.
Sa aking palagay, kaya paulit ulit ang ganitong mga panggagaya ay dahil sa may tumatangkilik na mga manonood. Kahit gaano ka half-assed ata ang hinahain sa karamihan sa Filipino viewers ay kakainin nila ito. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil nga sa limitadong availability ng mga quality shows sa ABS-CBN at GMA. Kailan kaya magmamature ang Filipino writers at viewers sa mga sinusulat, pinapalabas, at pinapanood nila?

-keven lee 06-78788

kiyev 06-78788 said...
This comment has been removed by the author.
kiyev 06-78788 said...

Sana si Bitoy nalang ang "nagtranslate" ng umbrella to payong. Kung nagkaganon, siguradong papakingan ko pa ito.

Personaly, ayaw ko sa mga nangagamit ng likha ng iba para gumawa ng sariling pangalan. Sinasabi ko ito base sa mga

naobserbahan ko at marahil ng marami.
Everytime nalang may patok na kanta, naguunahan ang mga banda sa pagtranslate nito into female version kung lalaki

ang nagpasikat ng kanta at vice versa. Para umano makarelate naman ang oposite sex. O kaya naman, for the sake of

"translation" na hindi naman talaga akma o wala talagang conection sa original song/composition. For me, ang isang

composition ay dapat hayaan na lamang sa orihinal na pagkakalikha nito. Ang translation nito ay nararapat lamang

para sa pag-intindi ng likha at hindi para gumawa ng isa pa para sumikat din.

Reginald said...

Kung ang isang dayuhang kanta ay isasalin sa Tagalog, may mga mag-iisip na ito ay naging "baduy" na. Marami din naman ang matutuwa at gagamit nito kagaya ng mga bata. Samakatuwid, depende sa tao kung paano niya tatanggapin ang pagbabagong ito. Sa aking nakikita, may kinalaman ang "social class" sa magiging pangkalahatang pagtingin sa mga Tagalized na kanta. Para sa mga lower class, tatanggapin nila ito bilang masaya at magandang kanta. Ngunit para sa mga upper class, tatanggapin nila ito bilang "baduy" na kanta. Kapansin-pansin na ang mga kantang ito ay sumisikat at tumatagal. Isang maaaring dahilan nito ay mas marami nga sa mga Pilipino ay nasa lower class. Kung mayayaman ang mga Pilipino, hindi magtatagal ang mga novelty songs kagaya ng mga isinulat ni Lito Camo. Ayon sa kanya, nagsusulat siya ng mga kanta na maiintindihan ng karamihang tao. Totoo nga naman, dahil sa mga kantang ito mas madaling makabisa ang lyrics dahil na rin sa mas simpleng tunog. Kung ikukumpara sa mga kantang kailangan mo pang bigyan ng pansin upang maintindihan ang mga nilalaman, mas bebenta ito sa masa at mas kikita ka pa. Maraming implikasyon ang bagay na ito at sa tingin ko ay hindi lang ang mismong pagsasalim ng kanta ang isyu dahil mayroon itong epekto sa lipunan ngunit hindi lang natin napapansin.

henry said...

ang masasabi ko lang.. dumadami na ang mga ganitong kanta...

naiisip ko lang... ganun b kagaling ang pinoy dahil natatranslate nila ang isang english na kanta papuntang tagalog nang nasa tono at halos pareho pa din nang bilang ng pantig sa salita.

o

sadyang hindi na tayo makaisip ng maipoproduce na kanta?

alin kaya?

Henry Liquete
2:30 - 4:00

Edmund Jr said...

Agree ako sa karamihan ng nagcomment dito. Naniniwala ako na may kakayahan ang Pinoy na gumawa ng sariling kanta. Sana original na music nalang ang gawin nila nang sa gayon ay maaangkin nila ng buong buo ang kanta. Sobrang dami pa ng paksa na pwede gawan ng kanta. Sa tingin ko bawal rin ang ginagawa nila dahil nakacopyright ang mga kantang ito at maaari silang makulong.

Pero pwede rin naman na ginagamit nila ang pagtatranslate ng kanta para sila ay kikita naman kahit kaunti lang. Madali kasing kumita sa pamamagitan nito dahil sikat na ang kanta at marami ang bibili ng record nila o kaya manonood sa live shows nila. Hindi naman nila kasalanan na kailangan nila ng pera. :D

Hanggang dito nalang muna... :D

-Edmund-

Joseph said...

Nakakatuwa at nkagagawa ang mga pinoy ng mga ganito. Though its not right cuz these songs are copyrighted pero ganyan tlaga ang pinoy eh. ang gusto lng tlaga ntin eh ang mgpatawa o mgpaligaya ng kapwa.

Unknown said...

yes! makakapag-comment na din..
ang saakin lang, ok lang naman yung payong eh..since sabi nga ng iba hindi naman siya direct translation ng umbrella, parang kinopya lang yung tono nito kasi iba naman na yung lyrics.. siguro masyado na lang tayong westernized na parang ang yabang na nating tumingin sa mga tagalog songs...tulad na lang ng payong.. nagmukha siyang cheap o jologs sa iba kasi nga tagalog..pero hindi mo din sila masisisi kasi nga kinopya yung tono...pero ok naman siya(payong) kasi karamihan ng nakikinig sa mga radio station na nagpapatugtog ng song na to e yung tinatawag na "masa", hidi sa nang de-degrade ako, pero mas naiintindihan ang nilalaman ng song kasi nasa sarili nating wika at mas mapi-feel na talaga nila ang song...
-tin-

jm_boquilon said...
This comment has been removed by the author.
jm_boquilon said...

lumalabas lang na totoong STC tayo.

STC - second-rate
trying hard
copycats

Tsk.tsk.

Hindi lamang ito ang nag-iisang kanta sa Filipino na pinatern sa banyagang kanta. May iba pa nga na nasa wikang Bisaya. Okey lang naman sana kung may saysay at laman ang mga kantang trinatransleyt. Hindi ko naman sinasabi na lahat pero karamihan dito ay walang laman at parang ginawa lamang para sumabay sa kasikatan ng mga banyagang kanta.

JPadriano said...

Isa itong parody. Ibig sabihin ito ay maaaring bigyan ng ibang nilalaman: maaaring katawatawa, maaaring maging kasalungat kung ang kanta ay may masama o mabuting mensahe, o maaaring tungkol ito sa kahit anong bagay na maisipang pasukan ng ibang lyrics.

Di ko alam pero lately, madalas din sumisikat iyong mga kantang isinalin sa tagalog lalo na sa mga kabataan, siyempre. Kapag may cellphone yung isa, 'pakinggan mo toh, umbrella na tinagalog, astig'

madalas den naman hinahanap din talaga natin iyong mga kantang isinalin sa ganitong paraan, ngunit ang "target audience" nito kadalasan ay talagang mga kabataan, at may maliit na chance makarating o magustuhan ng mga nakakatanda. ang wika na ginamit din sa kantang ito ay siyempre, hindi pang mga nakatatanda..:D

kakaunti nalang ang mga nakakapagiwan ng legacy sa music industry ng mga pilipino na talagang nagkaroon ng impact sa society. kagaya ng sikat na kanta ni Freddie Aguilar na "Anak", depende nga naman sa mensaheng ipinaparating kung maibibigyan ng magandang pagpahalaga ng tao sa kanta.

at siyempre, opinyon ko lang ito. di ko alam pero, wala ba itong double meaning? in a sense?
"sukob na sa payong ko
yakap ko ang init mo’t tanggulan (tanggulan)
kahit bumuhos ang ulan
payong ko’y nakalaan
di ba"

ewan ko lang, baka naman normal lng..pero feeling madalas nga na may double meaning, iyon nga lang, madalas di maganda...anyway.. aun lng.

ria said...

Kitang-kita naman sa kalagayan nating mga Pilipino ngayon ang lubusang pagtanggap at pagtangkilik sa mga "novelty songs" kaya naman hindi na rin kagulat-gulat na may nagtangkang isalin ang kantang ito ni Rihanna sa wikang Filipino.

Kung makikinig kayo sa mga istasyon sa radyo na tulad ng Love Radio 90.7 (kadalasan talaga eto 'yung pinakikinggan sa mga pampublikong lugar at sasakayan. Sa katunayan nga ay madalas kong makita ang istiker nito na "Kelangan pa bang i-memorize 'yan?" sa mga salamin ng fx at taxi), laging pinatutugtog ang Filipino version ng Umbrella at ng iba pang kanta tulad ng Low ni Flo Rida at ng Clumsy ni Fergie. Patok na patok nga ito sa pandinig ng masang Pilipino.

ria said...

ria ison, WF 1:00-2:30pm class po. :D

Faith said...

Bakit parang nagiging goal na
natin ngayon na itranslate lahat
ng hit na foreign songs sa Tagalog.

Hindi ko suya gusto…
Lalo na yung mga translation
na talagang ginagawang katatawanan.
Medyo matino at seryoso pa nga yang
translation ng “Umbrella” na yan.
Hindi ko gusto yang nagiging trend
na yan ngayon dahil sinisira niya
yung original feel ng kanta.

Dalawa ang nakikita kong dahilan.
Sa technical aspect at sa
thought/meaning aspect ng kanta.

Iniisip ko, malaki ang teknikal
na problema sa issue ng translation
na yan. Hindi ko alam sa ibang tao
pero para sa akin hindi ko gusto
ang pagtranslate sa Tagalog ng
mga kanta dahil hindi ko gusto
ang nagiging tunog nito.

Yung lyrics, beat, at rhythm ng
oirihinal na kanta ay binagay sa
isa’t-isa para mabuo yung tunog
ng kanta na yun. Kapag pinalitan
yun ng Tagalog, siyempre maiiba
na yung mga salita at hindi na siya
talagang tutugma sa rhythm ng kanta,
pinipilit man ito.

Parang may problema rin sa structure
ng sentences kapag itrinanslate na ito
sa Tagalog na hindi nagiging
maganda sa pandinig.
Sa tingin ko kasi, sa Tagalog parang
hindi ganun kadali basta kumuha ng
mga salita at ilagay sa isang sentence.
Kailangan hanapin mo yung tamang
kombinasyon ng mga salita para
maging maganda sa pandinig,
at yun nga ang isang hindi nagagawa
ng mga translations na meron ngayon.

Kasama pa niyan ang nakikita kong
malaking problema sa mismong
pagtranslate ng kanta. Nagiging
masyadong literal ito minsan, sa
mga ibang bahagi ng kanta.
Hindi din tugmang natatamaan
yung eksaktong ibig sabihin ng
orihinal na lyrics.
Kahit na sinusubukan ito, hindi
pa din talagang makuha yung
depth ng lyrics sa English.
Hindi ko alam kung bakit hindi
nakukuha. Pwede ding hindi
magaling yung nagtranslate nun.
Pero ayokong isipin na hindi
kayang pantayan ng lengwahe
natin ang lengwaheng Ingles
sa aspeto na yan.

Napakinggan na natin yung
orihinal na kanta, at yun ang
pinakamahusay at maganda,
bakit pa natin papalitan iyon
ng ibang translation kung hindi
naman nito napapantayan o
nahihigitan ang orihinal.

kat said...

sir ako po si ket from 2.30-4.00 class, pero gusto ko po sana mag-comment sa post na ito. lately kasi naginguso na yung mga filipino versions ng mga foreign (english) songs, at yung favorite ko ang mga joketime/novelty versions... yung iba nakakainis naman talaga, pero may iba ring mapapatawa ka na lang. yung favorite namin ngayon ung "Butete/Butiti Low", bisaya version ng "Low"... Nakakatawa talaga yun kasi kakaiba ang kinukwentonya compared sa original na Low. Eto yung lyrics sa chorus part:

Adtong ni aging gabiee
Gi invite mi og birthday (og birthday)
Sa party daghanang butiti (butete)
Wa me balow (wa me balow)
Diay kadto makahilo low low low...

May version pa na narinig yung friend ko na may "Only in Cagayan..." na intro...

Ayun. Ang kulit lang ng version nila.
^_^

Kaye :) said...

Marami nang mga kanta ang tinatranslate sa Filipino. Ang "Umbrella" by Rihanna, "Low" by FLoRida, at ang mga ginagawa ni Michael V sa Bubble Gang. Maraming independent artists na Bisaya/Cebuano ang nagtatranslate din ng English songs. Naririnig yata ang mga 'to anywhere in the Philippines. Kahit na nakakainis ang mga kantang 'to, kinakanta pa rin ito ng karamihan kasi natatawa sila. Ewan, di ko alam kung ano ang point ko. (hehe) Magaling ang mga nagtranslate o nag-Tagalize ng mga kantang 'yon. Pero sa tingin ko, mas maganda kung gumawa na lang sila ng original compositions nila. Marami naman talagang magagaling na artists sa atin eh. Sana maisip na lang nilang gumawa ng mga may sense ding compositions. (ayun.) :)

-Kaye Senas, 2:30-4:00

Sarcastic Bastard said...

Ilagay muna natin sa isang tabi ang teknikal na aspeto.

Nais ko lang sabihin na isa na rin itong salaming nagpapakita ng katauhan ng mga Pilipino ngayon.
Walang Originality.
Colonial. (lalo na yan.)

Walang Originality.
Oo, siguro nga wala ng original ngayon. Sa tagal na ng buhay ng mundo, maaaring nagawa na nga lahat. Pero hindi ito dahilan para gawin nating kalokohan ang mga bagay. Maaaring sabihin mong tulad na rin ito ng pagsalin ng mga istorya o tulang banyaga.
Pero hindi eh.
Okay sana kung seryoso eh.
Eh ang ngyayari, kagaguhan lang.

Colonial?
Halata na man, wala tayong sariling atin. Lahat nalang siguro.
Hihiramin nalang natin sa mga dayuhan at isasalin sa "wika" natin. (hindi nga wika "natin" yun eh, ang ngyayari pa siguro kanya kanyang dialekto.) Ibabagay sa atin.
Yun lang?
Humihiram nalang tayo.
Humihiram ng mga salita.
humihiram ng mga "trends"
Humihiram ng mga bagay bagay.
Pati Side-SONAR para marecover ang Aeroplano ng Pilipinas, hihiramin pa.

Sa tingin ko, isang insulto ang mga kantang tulad nito.
Isang insulto na hindi pinapansin ng mga tao.
Marahil ay sanay na silang insultohin. O marahil ay ang sarili nila mismo ang nagiinsulto sa sarili nilang tao.

Pinoy, gising.
Higit pa diyan ang kaya mong gawin.
Alam natin yun.

-Nagdaang Nilalang Lamang. :)

Sarcastic Bastard said...

Nais ko lang idagdag.

May narinig akong bersyon ng "Low"
na tungkol sa singko.
Hindi ko masasabing natuwa ako
dito.
Pero Oo, natawa ako.
Pero hindi din.
Ang korni kasi.
At bukod pa dun..(tingnan nalang ang puna sa itaas.) :))

pearl benjamin said...

i agree na hindi siya direct translation. ginamit yung concept of umbrella pero nilagyan din ng sariling idenetity yung filipino song although kung pakinggan mo yung kanta, ginagaya niya talaga yung boses ni rihanna.