Tuesday, August 19, 2008

Foreign Films sa Filipino

'Di ba sabi ko sa inyo marami sa mga jokes sa Pilipinas ay linguistically-based. Mula sa mga knock-knock jokes hanggang sa use _____ in a sentence. May nag-email sa akin ng listahan na ito ng mga hollywood films na sinubukang isalin sa wikang Filipino, pero obviously ginawa iyon para magpatawa. Hindi ako magtataka kung may mga language nationalist na maiirita sa joke gaya nito. Pero nakakatuwa ang creativity ng nakaisip ng mga translation na ito.

1. Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
2. Dead Man’s Chest - Dodo ng Patay
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy… aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Milliong Pisong Sanggol (it depends on the exchange rate of the country)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang may Putok

8. Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
9. The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero kapag Dumutdot laging Dalawang Beses
10. Sum of all Fears - Takot mo, Takot ko, Takot Nating Lahat

11. Swordfish - Talakitok
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola mo
13. Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
14. Four Weddings and a Funeral - Kahit 4 na Beses ka pang Magpakasal, Mamamatay ka rin
15. The Good, The Bad and the Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat

16. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
17. Click - Isang Pindot ka Lang
18. Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala / Bumigay sa Bundok
19. The Day of the Dead - Ayaw Tumayo (ng mga patay)
20. Waterworld - Basang-basa
21. There’s Something about Mary - May Kwan sa Ano ni Maria
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - Lintik lang ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
27. Never been Kissed - Pangit Kasi
28. Gone in 60 Seconds - 1 Round, Tulog
29. The Fast and the Furious - Ang bitin, Galit
30. Too Fast, Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
31. Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit tayo Nag-park?
32. Beauty and the Beast - Ang Asawa ko at ang Nanay nya
33. The Lord of the Rings - Ang Alahero

18 comments:

krystel said...

Ngayon ko lang po nabasa yung ilan sa mga nakasulat dito pero yung iba ay pamilyar na sa kin.
Natuwa po ako sa ilan pero may mga kinainisan din ako.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng creativity kaya siguro nabuo ang mga ganitong translations.
Talagang humahanap ng paraan para may mapaglibangan.
Kung tutuusin ay mga matitinong pelikula ang mga ito pero nang mabigyan ng ibang translation ay naging iba ang dating sa akin.

Napansin ko rin po na bagamat hindi hayagang pinarating , yung ibang translations ay may pagka green sa aking pandinig. May taglay ang ilan sa mga translations na double meaning.
Bakit kaya ang ilang jokes ay kinakabitan ng mga terminong may kaugnayan sa sex?(mga green jokes kuno)

Krystel Hervosa, 2:30-4:00 class

jm_boquilon said...

"Bakit kaya ang ilang jokes ay kinakabitan ng mga terminong may kaugnayan sa sex?(mga green jokes kuno)" - krystel

Sa palagay ko kasi kaya pumapatok ang green jokes dahil isang paraan ito para mapag-usapan ang sensitibong topic na 'sex' na hindi ilang at hindi nabibigyan ng negatibong comment ng lipunan. Alam naman natin na kahit liberal at mas bukas na ang ating mga kaisipan ay saklaw pa rin tayo ng ideya na ang pagbanggit o pagkwekwento tungkol 'sex' sa publiko ay masama at pangit sa pandinig ng lipunan.

Alam mo ba kung bakit ganito na lang tayo ka-sensitibo sa topic tungkol sa sex???.... Tumpak! Dahil malakas ang impluwensya ng relihiyon sa bansa natin.

ninarrs said...

Maaari ngang isang paraan ang green jokes para mapag-usapan ang sex ngunit sa ganitong paraan din, lalo lamang nagiging taboo ang mga bagay na may kaugnayan sa sex. Kahit sa ilan patok ang green jokes, makikita naman ng ibang tao na masama pa rin ang konteksto ng sex dahil sa "bastos" na paraan ng paggamit nito.
Sa ibang pagpupuna, nakatutuwa nga ang mga salin ng mga titulo. Ngunit, napansin ko na hindi lamang literal na pagsasalin ang pinagmulan ng mga kakatwang bahagi. Kundi ang pagbibigay ng maka-Pilipinong interpretasyon sa mga titulo. Katulad ng sa no.22 "Employee of the Month", sa literal na salin dapat ito ay "Ang empleyado o trabahador ng buwan". Ngunit sa blog na ito, ang salin ay "ANG SIPSIP" na para sa ating Pilipino ay mas nakakatawa. Gumamit din kasi ng "personification" sa saling ito. Ihalintulad ba naman ang pagiging pinaka-mahusay na empleyado sa pagsipsip ng juice. diba? hehe

Nina Ramos 2006-33251
WF 2:30-4:00 pm Class

A.Paul said...

Sang-ayon nga ako na parte nga ng appeal ng toilet humor ay ang pagiging taboo ng topic na sex sa ating lipunan. Sabi nga nila: "Masarap ang bawal".

yhum said...

hahaha. ok sir. benta siya. ang galing ng creativity, nabibigyan ng kaka ibang kaluhugan ang mga title ng movies.

hmm, para sa akin, hindi naman nakaka offend ang mga ginawang translation ng mga title ng mga palabas, kasi normal na yan ngayon. yung iba nga, hindi lang title ang ginagawang katawatawa, pati narin mismo yuung movie. like scary movie series. hehe.

and it goes to show, malikhain tayo magisip.XD haha.

vivi :) said...

Hindi talaga natin maitatanggi ang creativity ng mga Pinoy. 'Yung ginawang pagkakasalin sa wikang natin ng mga movies ay hindi basta basta lang ginawa. It's as if they deliberately translated the titles to a funnier Tagalog version.

Pero mayroon pa ring ilang bagay na bumabagabag sa akin ukol sa post na 'to. Given na ang pagiging kwela ng mga translations, pero i can't help but think about their implications. Nasabi niyo na rin sir na baka maasar ang ilang tao dito. Personally, di ako naasar sa pagkakasalin, ngunit nag-aalala ako sa maaring maging impression sa wika natin. Dahil na rin sa madalas na pagkakagamit ng mga verbal taboos, maaaring isipin ng iba na ang wika natin ay nakasentro sa mga yaon. That would be too judgemental on their part, but let's admit na mahilig talagang manghusga ang mga tao.

Rovinna Janel Cruzate
10-11:30 WF class.

ria said...

Dahil ako ay isang masayahing tao at may mababaw na kaligayahan, naging mabenta sa akin ang mga translations na ito. :))

Gayunpaman, kahit naging katatawanan ang lahat ng ito, mayroon pa rin akong napansing iilang pagsasalin na tila sumasalamin sa kultura nating mga Pilipino.

Ito ay ang "Resident Evil" na naging "Ang Biyenan" at ng "Beauty and the Beast" na naging "Ang Asawa ko at ang Nanay niya." Mapapansing inihahalintulad dito ang mga salitang "evil" at "beast" sa biyenan (mother-in-law).

Kung mapapansin din sa mga programa sa telebisyon at mga istorya sa mga pelikulang Pilipino, nailalarawan nga na ang laging hindi nakakasundo ng isang lalaki ay ang nanay ng kanyang asawa. Marahil ito ay dahil sa hindi siya boto dito para sa kanyang anak at maaari ding dahil sa estado nito sa buhay. Maaaring ang tingin ng biyenan ay mahirap lamang ito at hindi kayang tustusan ang pamilya nila ng kanyang anak. Pilipinong-pilipino hindi ba?

Napansin ko din ang tila pagiging malaswa ng ilang pagsasalin dito. Likas nga ba na kaakibat na ng ating pagka-Pilipino ang pagkakaroon ng ganitong klaseng mga pagbibiro? Gayunpaman ay naging kapuna-puna naman talaga dito ang pagkamalikhain ng ating mga isipan. :D

Ria Ison, WF 1:00-2:30pm class

A.Paul said...

^Hindi rin siguro gaanong maituturing na natatangi sa pinoy ang ganitong panananaw sa mga biyenan, sapagkat isa sa mga popular na halimbawa ng anagram sa Ingles ang:
Mother-in-law = Woman Hitler

(",)

Sarcastic Bastard said...

Hangang sa mga parody na lang ba iikot ang buhay ng mga Pilipino?

Ganito nga ba ang likas na kalagayan ng pagiisip ng mga Pilipino?
Ganito ba nila ginagalang ang wika nila?

May maituturing nga ba tayong sariling "atin"?
O hangang panghihiram at panggagaya nalang ang abot ng mga Pilipino?
Na ang wika natin mismo ay ginagawang katawatawa.

Paano mo masasabing ang Filipino ay isang wikang karapatdapat bigyan ng respeto?

-Nagdaang nilalang lamang. :)

ia_atian said...

Nakakaaliw pong basahin ang mga isinaling mga pamagat ng pelikula. Pinapakita po nito ang sense of humor ng mga Pilipino at gaya po ng sabi niyo, ang pagiging malikhain rin natin. Kung sa seryosong lebel, siguro nga po ay maaaring magkaroon ng isyu ito sa linggwistikang pananaw ngunit sa palagay ko po ay ang hangarin lamang po ng gumawa nito ay ang magpatawa kaya't siguro ay dapat huwag na itong usisain pa sa ganoon kalalim na lebel ng pang-unawa dahil masestress lang ang taong gagawa nun. Naisip ko rin po na siguro ay ganoon na lamang ang pagkaliteral ng mga salin ng wika ay dahil limitado din po ang bokabyularyo ng Filipino na naipapakita sa mga salitang dayuhan na walang katumbas sa ating wika kaya't siguro'y kung madalas, kahit hindi natin sinasadya, nakakatawa talagang pakinggan ang mga pangungusap o pariralang dayuhan na isinalin sa ating wika.

Ia Dulce F. Atian
2:30-4:00 pm

rissajean said...

nabasa ko na dati ang ilan sa mga yan.. hindi ko lang maalala kung sa text yan napakalat. isa sa mga napuna ko ay ang direct translation ng mga ingles na salita sa wikang pilipino. pumapatok nga naman ang mga ganyan ngayon. (kahit sa akin din ay nakakatawa) ngunit sa kabilang banda ay tama nga ang sinabi ng ilan sa kapwa kong estudyante na ang iba ay may pagkagreen.

~nerissa cruz~
1-2:30

chinee m. said...

sumasang-ayon po ako na talagang nakakatuwa ang mga translations na ginawa ng taong gumawa ng joke na ito. pinag-isipan talaga niya kung paano itatranslate yung mga pamagat ng mga foreign films sa wikang Pilipino in a way na matatawa talaga o makakarelate yung mambabasa. ang karamihan sa mga pagsalin ay literal at ang iba naman ay may ingredient na ng Filipino culture and beliefs tulad ng no.5,22, at 23. natawa talaga ako sa no.2 dahil napakaliteral ng pagtranslate at hindi ko ine-expect na ganoon ang kinalabasan ng pagsalin ng pamagat na iyon sa Pilipino. isang rason din kung bakit ako natawa ay ang pag-iba ng definition ng linya dahil napakaliteral ng pagsalin at para sakin, nakakatawa yung thought ng 'dodo ng patay'. sige, ikaw nga. subukan mong isipin yung linyang 'yon. o, ano? hehe

chinee mercado - WF2:30-4pm

Kaye :) said...

haha :)
Nakakatawa ang mga Filipino versions ng mga title. Karamihan nga ay halatang gawa ng mga green minded people. hehe. Ngayon ko lang na-encounter ang mga title na ito. Ang galing ng mga gumawa, magaling. Ang mga Pinoy talaga, palagi na lang pagpapatawa ang nasa isip.

-Kaye Senas, 2:30-4:00

McKen Flores said...

Sa palagay ko, ang paggamit ng creativity ng mga Pilipino ay nagbubunga ng kalibangan at kasiyahan. Tulad ng mga jokes na nakalista dito, ipinakita dito ang kakayahan ng mga Pilipino, di lang sa pagpapatawa, kundi rin sa pag-translate mula sa Ingles papuntang Filipino (sa medyo pilosopong paraan nga lang)

Para sa akin, hindi naman hindi nakaka-offend ang mga ganitong jokes. Ito ay nakadepende na lang sa magbabasa nito at kung ano ang kanyang mapupunang mali dito.

kmlfl said...

Kitang-kita nga naman ang pagiging creative ng mga Pilipino sa mga translations na ipinakita. Sa totoo lang nakakatuwa nga naman ang pagkakasalin gaya ng sinabi niyong lahat. Kahit ako di ko din naiwasang matawa sa mga binigay na translations. XD Kahit paulit-ulit ko pa itong binasa. Natatawa pa rin ako.
Siguro nga'y likas lang talaga sa ating mga Pilipino ang maging mapagbiro. Sa hirap na din siguro ng buhay, kahit simpleng pagpapatawa gaya ng pagtratranslate sa Filipino ng mga movies na ito ay ginawa na lang para lang sumaya. XD

Pero kahit na nakakatawa nga ito ay sang-ayon din ako kay sir na malamang, kapag may nakabasang language nationalist dito ay maiirita siya. Bakit?

Sa aking opinyon, masyadong na ngang ginagamit ang ating wika sa mga bagay na ganito, puro mga biro, karamihan pa ay may dalawang ibig sabihin, malaswa (di kaaya-ayang pakinggan) o mga taboo words gaya ng nasabi na sa ibang mga post. Kaya di rin natin masisisi ang iba kung ang tingin nila sa ating mga Pilipino ay mabababaw o mahirap seryosohin dahil paminsan yun ang naipapakita natin sa kanila, di man natin sinasadya. Malamang, maiisip din ng iba na baka ang wika natin ay nakasentro sa ganitong mga aspeto. Kung ako ay isang language nationalist, at malaman ko na ganyan ang tingin sa atin pati sa paggamit natin ng ating wika, malamang maiinis nga ako.

Mahirap para sa iba na unawain ang mga jokes na ito lalo't nakaloob sa ating kultura ang iba ( gaya nang nabanggit sa ibang post). Mahirap sa kanila na intindihin na pawang katuwaan lang ito kung hindi nila maintindihan ang ating kultura. So, Hindi sila matatawa, sa halip iisipin nilang puro kalokohan lang ang ginagawa natin at hindi natin nirerespeto ang sarili nating wika.

Gayunpaman, sa palagay ko itong mga translations na ito ay ginawa lang talaga para pagkatuwaan. Siguro di lang naisip ng mga lumikha nito ang pwedeng maging implikasyon ng ginawa nila. Sadyang gusto lang talaga nilang magpatawa. :D

-1-2:30
karina lardizabal :D

gab said...

May sense of humor lang talaga siguro mga Pilipino haha. Well parang given na sa atin na gusto natin lagi magpatawa at sorry for the term na parang "gaguhin" ang ibang bagay. Not in the way na parang masama pero in a way na gusto lang magpatawa at magstand out siguro. Ayaw naman kasi talaga natin ng mga dull moments pag tayo nakikipag-usap sa iba diba haha. Anyway back to the films, hindi naman talaga sinasadya pero nakakatawa talaga pag literally na translate from english to Filipino. Weird, rude, Green as it may sound I think that there is nothing bad about doing those, kasi its just to entertain lang talaga.

gab- wf 1-2:30

Del said...

napakamalikhain naman ng gumawa nyan. nakakatuwa. siguro para mas mapatawa ang tao, talagang nilalagyan nila ng kabastusan ang mga jokes nila. kung pupunahin, mas tumatawa ang mga tao at mas naaaya sila sa mga green jokes. siguro dahil sa may mga taboo sa sex, kaya nilalabas nila ang kanilang pagkamalikhain at expression sa sex sa papamamagitan ng mga jokes.

unexpected said...

May mga ganito pa lang uri ng pagsasalin.. Nakakatuwa at nakakatawa! Nakakatuwa kasi lumabas ang pagkamalikhain ng kung sino mang gumawa nito (malamang Pilipino). Isa na marahil ito sa mga maipagmamalaking katangian ngmga Pilipino,'yung makapag-establish ng sense of humor. Dangan nga lamang ay nagagamit ang usaping pagiging "green". Mas naging nakakatawa kasi kahit alam mong malayo at walang ugnayan ang pagsalin ay nakakuha ito ng mga audience na talaga namang bebenta sa kanila.

Lady of 10-11:30 class