Gaya ng napag-usapan sa klase, malaki ang implikasyong panlipunan ng pagpapalabas ng ABS-CBN ng isang telepantasya gaya ng Dyosa. Pangunahin nang dahilan ang pagtatangka nitong gamitin ang mitolohiya o folk tradition ng mga Pilipino. Para sa mga walang ideya hinggil sa naturang palabas, pwedeng bisitahin ang wikipedia entry hinggil dito.
Dahil nasa Filipino 40 tayo, pansinin ang paggamit ng wika sa naturang telepantasya. Noong pinanood ko ang unang episode, di ko naiwasang ikumpara ito sa Encantadia ng GMA 7. Noong sinubukan kong panoorin ilang taon na ang nakakaraan ang Encantadia, naaalala kong natuwa ako sa tangka (attempt) ng mga manunulat ng GMA na kahit papaano'y maging consistent sa paggamit ng wika. Siguro dahil sa karamihan sa eksena ay nasa lugar na kung tawagin ay Encantadia, tinangka ng karamihan sa mga character na gumamit ng "lumang Tagalog". Malaki ang pagkakaiba sa Dyosa. Ang unang eksena ay nasa isang mistikal na lugar. Malinaw na gumamit si Miki Ferriols (Mariang Sinukuan) ng lumang Tagalog. May iilan na nagtangkang magsalita gaya ni Sinukuan pero malinaw na nahirapan i-maintain ang pananalita. May iba naman na sobrang kontemporaryo na ang paraan ng pagsasalita. Linguistically, magulo ang set-up ng naturang palabas. Meron pa ba kayong ibang napapansin?
Wednesday, August 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
(pagkatapos ko manood ng Singing Bee kagabi), nanood lang ako saglit ng Dyosa at napansin ko nga ang paggamit ng "lumang Tagalog." Hindi ko pa gaano kakilala ang mga tauhan sa Dyosa pero ang naalala ko lang kagabi ay yung parte kung saan tinuturuan yata ni Jacklyn Jose ang anak niya kung paano "magpalaki ng apoy" at ang tawag ng anak nito sa kanya ay 'ina'. 'Yun ay naganap sa sinasabing mistikal na lugar. Luma ito kung ikukumpara sa ibang mga telenobela kung saan 'Nanay' o 'Nay' ang tawag sa mga ina. Ngayong gabi naman, para sa akin, hindi akma ang paggamit ni Jacklyn Jose (sorry, hindi ko talaga alam ang pangalan niya sa Dyosa hehe) ng salitang 'tsismis' sa mistikal na lugar na kinalalagyan niya. -- Nikki
p.s. hindi akin ang gamit kong open id..yung lj ;]
kung ikukumpara nga po ang Dyosa sa Encantadia, mas nagingconsistent po and Encantadia sa paggamit ng wika at gumawa pa po sila ng mga "kakaibang salita" upang mas maipakita na sila ay nasa ibang mundo. Sa Dyosa, mukhang nag-attempt din naman po and mga writers na gumamit ng mga kakaibang salita katulad ng "nameshka" bilang pagbati o paggalang. (di po ako sigurado kung tama ang pagkakarinig ko)
napansin ko din po ang paggamit ng mga kontemporaryong salita ng mga tauhan na nasa mundo ng kabanua. halimbawa po ay ang eksena ni magayon (jaclyn jose) na nakikipag-usap kay salaminsim (salaming nagssalita). "mananatiling TSISMIS na lang ang balitang buhay pa si sinukuan". Sa tingin ko po ay hindi akma ang ginamit na salita lalo na at mga mitolohiyang karakter ang mga nasa istorya. Sa karakter naman po nina Josephine, (anne curtis) mas katanggap-tanggap po na moderno na ang gamit niyang wika dahil sa mundo ng mga tao na siya lumaki. Ganun din po pagdating sa mga karakter nina Huling at Miong (mga magulang ni JOsephine). Okey lang na kontemporaryong Filipino na ang gamitin nila dahil kahit na galing sila sa mundo ng Kabanua, mahabang panahon na rin ang ipinamalagi nila sa mundo ng mga tao.
Marahil po siguro ay mas binigyang pansin ng produksyon ang mga aspetong makakahikayat sa kanilang mga manonood tulad ng special effects, prosthetics at mga sikat na artista. mas gusto rin po siguro nilang mas madaling maintidihan ng mga manonood lalo ng ng mga BATA ang wika upang masundan nang mabuti ang istorya.
(pasensya na po kung medyo mahaba ang aking komento - JAYVERLYN)
i have been watching "Diyosa" for 2 (two!!!) nights now (thurs and fri); however, i wasn't able to take down notes so i can't really quote them on whatever they said. i will just mention one of the frequently said and slightly irritating word, ang "takda". ano ba ang ibig sabihin nila sa salitang iyan? ang chosen one (ok, i just checked the wiki article and according to them this is actually what they meant by "ang takda", but still...)? in all my time of watching Filipino fantasy shows (which isn't a lot of time really-- my watching said shows), ngayon ko lang yata narinig ang paggamit ng salitang takda sa ganoong paraan at ngayon ko lamang siya narinig para magrefer sa isang tao. i mean, pag naririnig ko ang salitang iyon usually sa ganitong paraan, "takdang-aralin", "takdang panahon", "sa itinakdang araw" o kung sa tao man "ang itinakdang mapang-aasawa" but never "ang Takda"... it makes me feel like i missed something because i didn't watch the first two episodes (or maybe other similar Filipino shows, maybe the use of "takda" in this way isn't really new! either that, or maybe it's an ancient way of saying it given that they're showing something mythological), regarding why "takda" ang itinakdang tawag kay anne curtis.
ang isa pang napansin ko ay maaaring walang kinalaman sa language but i find it slightly, for lack of a better word, weird... ito ay noong binigyan si anne ng candy(?) ni,er,Bakus. i mean if you wake up and see a half man half goat(?) and he gives you candy why in the world would you eat it? She ate it,with no questions asked... ok, maybe they were trying to portray a quality of josephine's, some sort of Diyosa quality (whatever that might mean)...or maybe Bakus wasn't a stranger to her at all so she trusted him enough to eat what he offered...again the feeling of missing something engulfs me.
maybe more later.
Seth
Napansin ko rin po ang kawalan ng consisteny sa "Dyosa". Napuna ko po ito sa karakter ng ama-amahan ni Josephine na si Miyong. Batay sa napanood ko ay pinatamaan ng bagsik ng mahika ni Tadaklan(Carlos Morales) si Miyong. Naganap ito sapagkat nagalit si Tadaklan dahil sa naudlot na nakatakdang kasalan nila ni Mariang Makiling. Tila sumpa ang nakamtan ni Miyong nang maging maliit na tao siya,nawalan ng kapangyarihan ng mahika at umurong ang dila. Sa umpisa ng palabas ay naging kakaiba ang kanyang pananalita tila siya isang bata na nahihirapang bumigkas ng mga salita. Naging prominente sa bawat pagbigkas niya ang tunog ng titik "T". Ngunit makalipas lang ang ilang araw ay nabawasan agad ang intensidad ng pagiging bulol niya. Minsan pa ay napansin ko ring biglang tututuwid ang kanyang pagsasalita sa kalagitnaan ng hirap na pagbigkas.
Napansin ko din po kay Bakus(Epi Quizon) ang paggagmit niya ng mga hiram na salita sa English tulad ng "magic". Dapat sana ay iniwasang ipagamitin sa kanya ang mga ganung salita sapagkat may katumbas naman iyon sa wikang filipino. Isa pa'y hindi ito angkop sa karakter niya bilang taga ibang mundo.
Sa kabila ng mga ito ay hindi maitatanggi ang popularidad ng palabas na DYOSA sapagkat kahit saan ako magpunta ay naririnig ko ang salitang "DYOSA". May naririnig akong mga tao na ginagamit na itong bahagi ng pang-araw araw na salita kahit hindi akma ang gamit. Halimbawa ay ang narinig kong dalawang magkaibigan na ang naging tawagan na ay "dyosa". May narinig din akong kaibigan na nakikiusap at ang sabi niya ay "Dyosa, pahiram naman ako ng notes mo".
Isang linggo pa lang sa ere ang "DYOSA" pero nakatawag na agad ito ng atensyon. Malaking impluwensya talaga ang nadadala ng media sa ating pang-araw araw na buhay.
Krystel Hervosa, klase ng 2:30-4:00
hahaha... nakakatuwa naman ang mga comments nyo.. parang naapektuhan na kau ng dyosa.. gumagamit na rin kayo ng lumang tagalog sa pagcocomment.. hehehe.. dyesebel na lang kau.. contemporary yung wika nila.. pati nga mga sea creatures nageenglish eh.. hahaha..
i just thought of something...i noticed that the lettering of the title of "Dyosa" looked somewhat "Greekish" (that's probably not a real word). i mean, the way the letters were all pointy of sorts made it look greekish to me. then i noticed the creatures the Dyosa turned into last Friday and according to the wiki article-- a mermaid, a centaur, and a siren...now, i haven't read much about Philippine mythology but i can't say the same about Greek mythology and i am pretty sure that the centaur and the siren are found in Greek myths; the first mermaid i knew as a child, "The Little Mermaid" was written by the Danish author, Hans Christian Andersen. my point is, these creatures are known to be highly European and i just thought that maybe, she should turn into a manananggal, or a tikbalang instead...yeah, that'll be the day...hahahaha...
anyway, i just thought that since she's the main character, she might want to take the form of creatures more popular in Philippine mythology (not necessarily my given examples)...
naisip ko lang po...
Seth ng class 8:30-10:00
I agree with Gucci.
Natutuwa din aco.
...Ube...
Ngayon lang ako nakapag-comment because kagabi lang ako nakapanood ng "Dyosa". At first , I thought na very unlikely ang merge of language ng lumang tagalog sa mundo ng mga "supernatural beings" at ng makabagong Filipino sa mundo ng mga tao with the assumption ng lack of contact between these two worlds. But when I read the wikipedia article about it, may konting contact naman pala simula ng nabuo ang dalawang mundong ito. Kaya masasabi na possible ang paggamit ng mga characters sa "supernatural world" ng makabagong Filipino. Although, dapat i-minimize nila ito kasi wala namang indication ng regular na pakikipaghalubilo ng mga characters sa dalawang mundo. --patrick
agree ako kay patrick. malamang may koneksyon nga ang "real world" s "supernatural world". kaya gumagamit sila ng makabagong filipino.
para sa akin, kung ikukumpara naman ito sa encantadia ng GMA mas natural ang pagsasalita ng mga artista s palabas na ito kaysa s Dyosa.
-evanie
Kailangan ba talaga na malalim na Filipino ang gamit sa 'mystical world'? Baka kasi nakukulong lang tayo sa ideya na dapat sinauna at nakakadugong mga Filipinong salita lamang ang gamitin kapag mistikal na ang pinag-uusapan.
Sa palagay ko kasi kaya ginagawa nila 'yon para madaling makakonek sa mga manonood which is ang masa.
Haha. Malay natin gusto lang nilang ipalabas na ganoon ang modernong Dyosa.
(mapanood nga ito mamayang gabi)
Sa pagsubaybay ko sa dyosa, hindi lang ako ang nakapansin ng iba't ibang salita na nagmula sa lumang tagalog. Maging ang aking mga kasama rito sa bahay ay nakita na sinubukan talagang gamitin ang wikang iyon upang mas maging epektibo ang palabas. Hindi lang maiiwasan na dahil sa kwento, may mga tauhan na hindi na ito nagagamit tulad ng mga nasa 'mundo ng tao', Dahil na rin sa ipinapakita nila ang kaibahan ng past at present. Sa tingin ko, naging masining ang paggamit ng mga salita at mas nabigyang kulay ang istorya.
May napansin din ako na hindi tungkol sa wika. Ito ang mga special effects na hindi gaanong kagandahan pero wala ng kinalaman iyon sa subject..=)
--jazelle
Sa pagsubaybay ko sa dyosa, hindi lang ako ang nakapansin ng iba't ibang salita na nagmula sa lumang tagalog. Maging ang aking mga kasama rito sa bahay ay nakita na sinubukan talagang gamitin ang wikang iyon upang mas maging epektibo ang palabas. Hindi lang maiiwasan na dahil sa kwento, may mga tauhan na hindi na ito nagagamit tulad ng mga nasa 'mundo ng tao', Dahil na rin sa ipinapakita nila ang kaibahan ng past at present. Sa tingin ko, naging masining ang paggamit ng mga salita at mas nabigyang kulay ang istorya.
May napansin din ako na hindi tungkol sa wika. Ito ang mga special effects na hindi gaanong kagandahan pero wala ng kinalaman iyon sa subject..=)
--jazelle
Post a Comment