Monday, August 18, 2008

Dolphy, Panchito, Robin at Wika sa Mass Media

Sa tinagal-tagal ng panahon, parating ginagamit ng mass mediang Pilipino ang wika bilang instrumento ng katatawanan. Ang walang-kamatayang pagsasalin (translation) ng kanta halimbawa nina Dolphy at Panchito. Ang “carabao speech” ni Jimmy Santos, na bagaman nalaos na ay panaka-nakang naririnig pa rin sa Eat Bulaga.” Ang pinaghalong showbiz at pulitika sa “erap-tion” ng dating Pangulong Joseph Estrada. Ang pagsikat ni Alyssa Alano dahil sa pagkanta niya ng “Kiss Me” (Keys Me) na matiyagang ginawan ng videoke-type na youtube video. Nitong mga nakaraang araw, isang advertisement ni Robin Padilla ang nakatawag ng aking pansin. Sa ad ng produktong LungCair Plus, nagbigay ng ilang pangungusap si Robin hinggil sa ineendorsong food supplement gamit ang wikang Ingles. Bilang pagtatapos, aniya, “ayos ba mga ‘tol? Ang galling kong mag-Ingles ano? Dibdibang usapan kasi ‘to.” Dalawa ang ibig niyang sabihin sa huling kataga. Una, dibdibang usapan iyon dahil sa para sa lungs ang naturang food supplement. Pangalawa, na dulot na rin ng malinaw na pagkaunawa ng advertiser sa kultura at kasabihang Pilipino, seryoso ang usapan. Malaki ang implikasyon ng mga ito sa pulitika ng wika sa Pilipinas. Sa mga unang halimbawa (Dolphy, Panchito, Jimmy Santos, Erap, Alyssa Alano), nagiging kasiya-siya kung hindi man katawa-tawa ang mga taong hindi marunong mag-Ingles o di marunong bumigkas ng mga salita sa Ingles. Sa halimbawang Robin Padilla, tanging sa wikang Ingles lamang maipaparating ang mga seryosong usapin. Kaakibat ng ugnayang panlipunang ito ang sistemang ideolohikal na nagbibigay ng sobrang importansya sa wikang Ingles habang pinababayaan ang intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa. Sa palagay ninyo, ganito pa rin ba ang kalakaran sa kasalukuyan? Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa gamit ang iba’t ibang mass medium—tv, musika, sine, internet at iba pa.

13 comments:

Unknown said...

Napanood ko na rin minsan ang patalastas na iyon ni Robin Padilla at madali ko itong nai-relate sa usapan natin tungkol sa wika. Pagkatapos mapanood ang patalastas, naisip ko rin na sa wikang Ingles lang ba makapagpapahayag nang malino at seryosong bagay ang mga tao?! Kung iisipin, isang Pilipino pa ang nagsabi nito at dito sa Pilipinas, kung bibigyan ng masusing analisis ang ganitong uri ng patalastas, makikita na harap-harapan at walang pakundangan na minamaliit ang wikang Filipino na wika natin dito sa Pilipinas. Napag-usapan natin sa klase ang implicature, at sa patalastas na ito may iniimply na ang wikang dapat gamitin sa seryoso at importanteng bagay ay Ingles at ang wikang Filipino ay hindi masyadong mahalaga o kailangan sa ganitong klase ng mga usapan.

Isa pang halimbawa ay yung patalastas ng McDonalds na may isang nagsalita ng Ingles at pagkatapos sinabi ng mga kaibigan nya "Pacheeseburger ka naman!" Alam ko na kung titingnan, maliit na bagay lang ang patalastas na ito pero this advertisement implies that when a person talks in English it is already "something". Kapag marunong kang mag-Ingles magaling ka. Gaya sa kasalukuyang mindset ng mga tao ngayon na ang pagsasalita ng Ingles ang susi at daan sa tagumpay. They attribute the English language to success because it is the language of the Americans na alam nating kasangga ng Pilipinas. Sa ganitong, pagkakataon naipapakita na rin na subordinate ng wikang Ingles ang sarili nating wikang Filipino. Ngunit hindi natin alam na maaring sa sususunod na mga taon ay pabagsak na rin ang America dahil sa mga krisis na kinakaharap nito sa ngayon.

Unknown said...

Nakakatakot iyong ganitong pangyayari. Sina Dolphy kasi at Robin Padilla ay mga taong hinahangaan ng maraming Pilipino. Ano na lamang ang iisipin ng mga tao sa mga ipinararating nila?

Sa tingin co, dapat din inaanalisa ng mabuti ng mga artista ang kanilang mga binibitawang salita. Marami kasi ang naapektuhan nito. Lalo pa't nakahiligan nang gayahin ng tao ang mga tv ads.

...Ube

powertalong said...

Actually once ko palang napapanood yung commercial ng LungCair, at sa totoong lang medyo natawa ako kasi ang dating sa akin, parang pinipilit ni Robin mag-English "just to get his point across."

Naisip ko tuloy, ganun ba yun? Na para seryosohin ka ng mga tayo kailangan mo pa mag-English? Eh pano kung mas comfortable ka sa pagta-Tagalog o kaya naman hindi mo ma-verbalize yung gusto mong sabihin sa Ingles, kailangan ba talagang i-pilit para lang masabi mo na "seryoso" at "may lalim" ang sinasabi mo? Kung dahil sa struggle mo sa English e pinagtatawanan ka na ng mga tao at di ka na maintindihan, e di ba parang mas lalo kang hindi sineryoso?

Nakakalungkot lang na pati ang media ginagamit ang ganitong mentality para makabenta. Ang pakiramdam ko tuloy, ang tingin nila sa wika naten parang commodity na pwede nilang i-manipulate. Kapag Buwan ng Wika, commercial diyan, special feature doon. Pero pagkatapos noon, balik nanaman sa dating gawi.

Napakalaki ng impluwensiya ng mass media sa mga tao, at sana lang gamitin nila ang impluwensiyang ito para itaguyod ang galing at kakayahan ng ating lahi, at hindi ipakita na ang Pilipino ay walang bilib sa kanyang sarili.

jm_boquilon said...

Sabi ni powertalong, "Napakalaki ng impluwensiya ng mass media sa mga tao, at sana lang gamitin nila ang impluwensiyang ito para itaguyod ang galing at kakayahan ng ating lahi, at hindi ipakita na ang Pilipino ay walang bilib sa kanyang sarili."


~Tama! Sang-ayon ako sa'yo. Magaling!

A.Paul said...

Aminado ako na sa ngayon, mas tinatangkilik ko ang Ingles para sa komunikasyon, lalo na sa Internet. Hindi dahil isa akong elitista na sumasang-ayon sa makitid na pag-iisip na ang Ingles ay lubhang superyor sa sarili nating wika (bagaman maaaring tawaging makitid ang aking pag-iisip, kung nag-iisip man nga talaga ako, hehe) ngunit dahil po Ingles na ang nakasanayan kong mabasa at marinig sa internet at mas lumalawak ang naaabot ng aking mensahe kung Ingles ang gagamitin ko.

Nalulungkot lang po ako na kung sakali mang makakita ako ng gumagamit ng sarili nating wika, kadalasan isa lamang itong hambog na nagmumura sa Filipino sa forum ng mga banyaga na walang kamalay-malay sa pinagsasabi niya.

jayverlyn said...

kung tutuusin nga po, marami na ang mga patalastas o TV advertisements na wikang Ingles n talaga ang ginagamit. kapansin pansin na marami sa mga slogan ng mga produkto ay nasa wikang Ingles. Kadalasan, ang mga produktong masasabi nating "pangmayaman", eto ang mga patalastas na nasa wikang Ingles at minsan pa ay gumagamit ng mga artistang masasabi nating socialite o nasa upper bracket ng society.

Parang nagiging implikasyon nito na ang wikang Ingles ay para sa mas nakakataas ang antas sa buhay kahit pa sila ay nasa Pilipinas kung saan Filipino ang pambansang wika.

unexpected said...

HIndi ko alam kung aware ba ang mga artistang ito sa mga linyang bibitawan nila.

Isa na namang nakababahalang usapin. Lagi naman nakakabahala kapag tungkol sa wika at lalao na sa paggamit nito.

Malaki ang implication ng mga ganitong uring usapin. Una, lumalabas na mas nangingibabaw ang Ingles kaysa sariling wika. Ginamit mo nga ang wikang Tagalog pero nanghihikayat ka naman na huwag iyon tangkilikin. Kalokohan!

Lady of 10-11:30 WF class

Faith said...
This comment has been removed by the author.
Faith said...

Ng una kong napanood ang commercial na iyon agad kong naramdaman na may
mali dito. Marami siyang naiparating, higit sa intended na mensahe na kanyang sinasabi. Unconsciously, naipakita niya kung paano mas itinataas ang Ingles kaysa sa sariling wika.

Importanteng tignan ang target audience ng commercial na ito. Dahil hindi naman nirerepresent ng ad na iyon ang paniniwala o pagtingin sa Ingles ng lahat ng tao. Alam ko at alam naman natin na hindi lahat ng Pilipino ay naniniwala na ang seryosong mensahe ay maipaparating sa Ingles lamang.
Obvious na hindi pang intelektwal na mga tao ang ad na iyon. (Wala akong intension na manlait ng anumang grupo o klase ng mga tao) Considering na si Robin Padilla (no offense sa kanya) ang ginamit na personality at iyon ang ginawang dialogue niya, sa aking palagay ay mga masa, particular na ang mga lalake (na nagsisigarilyo siguro, dahil lung care nga) ang target audience ng ad na iyon. Magandang isipin kung bakit ganoon ang style ng panghihikayat ang ginamit sa kanila.

Ganoon ang pagintindi nila sa Ingles. Para sa kanila “big deal” na makapagsalita nito. Dahil narin ito sa ipinapakita at itinuturo (conscious man o unconscious) ng lipunan. Hindi naman sila gaano nakakapagsalita ng Ingles at naririnig lamang nila ito mula sa mga middle at lalo na sa matataas na mga tao. Dahil doon naiingrain tuloy sa kanilang isipan na mataas o importante ang usapan kapag Ingles ang ginagamit.

Ang mga punto ko dito ay.
Hindi lahat ng Pilipino, ganoon kataas ang tingin sa Ingles, hindi tulad ng inaasume natin. Ang sinasalamin ng ad na iyon ay hindi lahat ng Pilipino kundi ang mga masa lamang, partikular. Sila nga lamang ang bumubuo ng malaking parte ng populasyon ng Pilipinas kung kaya inaakalang ganoon ang mga Pilipino sa kabuuan.

Sa tingin ko, ay hindi naman sinasadyang maitaas ang Ingles sa bansa. Hindi naman sinasadya ng mga mas mataas na sector o class sa lipunan na magparating ng mensahe na ang Ingles ay, halimbawa, isang mataas na lengwahe. Pwera nalang sa mga taong mashadong pinagmamalaki ang kanilang paggamit ng Ingles (lalo na ang mga artista). Pero kung ibabase sa tipikal na publiko, sinasabi kong wala silang sinasadya dahil normal lang naman sa kanila ang paggamit ng Ingles. Iyon nga lang, unsconsiously may mga nagiging epekto ito sa pagtingin ng mga mas nakabababang sector sa Ingles.

Para sa akin, may mga iilang sektor at tao lamang sa lipunan na (consciously) nagbibigay ng ideolohiyang mas pagpapahalga sa Ingles. Sila ang dapat akusahan na mas nagpapabaya at nakalilimot ng sariling wika.

Sa aking pagtingin, ang paggamit ng Ingles ay hindi masama, kahit na mas ginagamit mo ito kaysa sa Filipino, o mas maraming Pilipino ang gumagamit nito kaysa sa Tagalog. Normal lang naman ito na gawain at hindi maiiwasan. Lumalabas lang ang maling pagbibigay ng importansya sa Ingles kapag sinasabing mas superior at ipinagmamayabang ito kaysa sa Filipino.

Mashado na po yata ako lumayo sa article.
Sana ay may relevance pa din kayong makikita dito, kahit papaano. XD.

chizsm said...

Medyo late na ang comment ko kasi di ako laging nakakapaginternet.

Ang masasabi ko lang ay agree ako na isa sa mga ideology ng majority sa atin ngayon ay magaling ang mga taong marunong mag-English. Tulad nga ng sabi ng friend ko who is also taking Fil40 under a different prof, sa hierarchy ng wika na ginagamit sa Pilipinas ngayon ang wikang panturo(English) ay mas mataas kaysa wikang pambansa(Filipino).

Makikita ang kaisipang ito sa "English transformation" ng Q-TV kung saan mapapansin na dati ang mga shows nila na may Filipino titles (i.e. "May trabaho ka", "Sana'y muling makapiling") ay binago upang magkaroon ng English titles ("Hired" and "Reunions"). This is to support yung claim nila ng pagkakaroon ng natatanging news broadcast in English. - patrick 8:30 to 10

Del said...

Not necessarily naman na pag English ang ginamit mong wika, seryoso na ang usapan niyo. Merong mga sitwasyon kung saan ang Pilipino din naman ay ginagamit sa mga seryosong usapin. Katulad ng news. Sa TV Patrol World, seryoso ang mga usapin doon, pero ginagamit nila Karen Davila at Ted Failon ang wikang Tagalog upang ihain ang mga balita sa atin. Meron ding mga sitwasyon na ginagamit ang Ingles sa katutuwang pangyayari.

Para sa akin, mali na tinotolerate natin ang intentional mistakes sa English. Kasi pag narinig ng mga dayuhan, sasabihin nila na ganoon ba tayo kabobo para hindi magamit ng maayos ang Ingles. Kahit na nagbibiro lang tayo, hindi pa rin tama iyon. Malay ba nilang joke lang ung pagkakamaling iyon sa English? At saka ang mass media ang isa sa mga pinagkukunan ng mga ideya ng mga bata. Paano na kung ginaya nila ang mga joke na ito, sa akalang iyon ang tamang paggamit sa wikang Ingles?

Delaney Miram
WF 2:30-4

Lorraine Chua said...

Nakakalungkot man isipin na mas tinitingala nating mga Pilipino ang Wikang Ingles sapagkat mamamangha ang mga tao kapag nagsalita ka ng Ingles.Hindi lamang sa salita makikita ang mga ganitong sitwasyon maging sa gawa ay kapansin pansin ito sapagkat masyado nating ginagaya ang mga Amerikano, mapaporma at ugali ay patuloy pa rin natin silang ginagaya. Sa totoo lamang ay unti-unti nang nawawala ang kulturang Pilipino spagkat natatabunan na ito ng kulturang Amerikano. Hindi ba natin nararamdaman ang pangmamaliit sa atin? Minsan nga ang mga tao ay nagkakarabaw Ingles para lang masabi na marunong din sila mag-Igles. Ngunit hindi ba nila nakikita na pinagtatawanan lamang sila? Katulad na lamang sa Wowowee, ang mga kalahok ay pilit pinagpapasalita ng Ingles kahit na hindi naman nila gamay ang mga ito. Ang resulta ay katatawanan sa mga manunood sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Kung makikita iyon ng iba, ano iisipin nila? Maaaring isipin nila na kulang sa edukasyon ang mga Pilipino sapagkat barok sila.

Sa ginagawa naman nilang katatawan ang pagsalita ng karabaw Ingles, ang masasabi ko ay hindi ito tama sapagakat nasasanay tayo sa ganoong pananalita na maling mali naman. Dapat kung nais natin gumamit ng Ingles dapat buong pangungusap ang gawing Ingles kesa ihalo pa ng Tagalog ang pangungusap.

Hindi naman sa sinasabi ko huwag tayo gumamit ng Ingles sapagkat alam naman natin ay ito ay ang unibersal na ginagamit ng mga tao ngunit dapat mahalin natin ang sariling wika natin. Huwag sana natin ikaila ang pagka-Pilipino natin. Ipagyabang natin na marunong tayo magsalita ng Tagalog.

Lorraine Chua said...

-LOrraine Chua 1-2:30 wf