Saturday, September 27, 2008
Aktibista nga ba ang Bagong PNP Chief?
Hindi iilan sa mga naging pinuno ng pamahalaan at maging ng sandatahang lakas ang naging "aktibista" noong nakaraan. Dating student leader sa Kabataang Makabayan si Orly Mercado, na minsang naluklok sa Senado. Dating sumanib sa New People's Army at tumulong pa ngang pagnakawan ng mga armas ang Philippine Military Academy si Col. Victor Corpuz. Ngayon, wala na sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan sina Mercado at Corpuz, pero hindi pa rin nagsasawa ang media na hanapan ng aktibistang nakaraan ang mga naluluklok sa pampublikong posisyon. Bakit nga ba hindi, kung sa palagay nila'y interesting sa mga mambabasa ang maliit na impormasyong iyon. Laluna siguro kung nagpapakito ito ng malaking pagkakaiba gaya ng sa pagiging aktibista at pagiging pulis.
Nakakapagtaka lamang na kung babasahin ang unang mga linya ng nabanggit kong artikulo sa Inquirer, mapapansing mali yata ang headline. lumalabas na iisang rali lang ang napuntahan ni Versoza noong freshman pa lamang siya sa UP. Syempre, walang tiyak na quota sa pag-attend sa rali para maging aktibista. Ang mahalaga'y kung naiintindihan niya kung bakit siya nagrarali. Pero ayon sa kanya, wala raw noong inaalok na alternatibo ang aktibismo. Napaka-interesting ang kaso ni Versoza dahil freshman siya sa UP noong ipataw ang Martial Law sa bansa. Apat na taon na ang Batas Militar nang makatapos siya sa PMA.
Binanggit din sa artikulo na ang tatay ni Versoza, na isa noong Colonel sa militar, ang nagpasok sa kanya sa PMA. Sabi ni Versoza, wala siyang ibang alam sa PMA kundi ang mga paradang ginagawa nito. Sandali lamang, kung isa kang aktibista, o itinuturing mo ang sarili mo bilang aktibista, siguro naman at dapat ay kilala mo ang pangunahing nagtuturo at nagpapalaki ng mga pinuno ng pangunahing pasistang institusyon ng estado!
Si Lenin (Lenin on Language, 1983) ang unang nagpaalala sa mga aktibista na mag-ingat sa paggamit ng wika, at ng mga salita. Hindi lamang dapat basta-basta gamitin ang salitang "commune" halimbawa kung hindi ito produkto ng mahabang proseso ng kontradiksyon sa lipunan at sa sarili (pansinin ang "Diliman Commune"). At kahit naman hindi ka aktibista, napakahalaga ng sapat na pag-intindi sa mga ginagamit na salita. Dating aktibista nga kaya si Versoza kung hindi naman siya naging aktibista?
Friday, September 26, 2008
mga nakakaaliw na "sayns"
Dumaan lang sa harap ko yan habang naghihintay ng jeep. Napansin ko lang na mali yung spelling.. hehe
Matagal ko na itong nakikita kasi sa may tapat siya ng simbahan. Mayroon pa yang kasunod hindi lang nakuhaan. Yung next stall nakalagay: “BARBERO NATIN II”
Napansin ko lang na madalas din ang mga Pilipino ay binabase na lang nila ang pangalan sa binebenta nila. Katulad ng nasa larawan, nagtitinda ng mga electrical wires at light bulbs.
alam ko na hindi talaga yan ang totoong sign. Vinandal lang naman yan. So ang bagong meaning ay: NO PESO HERE…
Ito naman ay nakita ko sa may old balara malapit lang sa UP. Noong una ko itong nakita hindi ko alam kung ang dinedepict nito ay si Madeleine o dahil ang adjectives natin ay nagisismula sa panlaping ma- tapos dinagdagan nila ng English term ng sarap.
Naaliw lang ako sa sign na to. Sa may vinzon’s lang sa may sakayan ng jeep. Una, kasi nagrhyrhyme siya. Tapos, naiisip ko na siguro nagisip lang sila ng concept na mexicano para tugma sa tacos na binebenta nila
Itong susunod naman ay nagdedescribe lang sa binebenta nila, since nagbebenta sila ng mga fresh seafoods yung hilaw pa, sa may philcoa pala ito.
Malapit sa palengke ko ito nakita. Nahirapan akong kunan yan haha lagi kasing nagmamadali yung sasakyan. Ito talaga yung dati pa ay lagi kong tinitingnan hindi ko alam kung sadyang guilty lang sa selfish term nila at natatawa ako. Yung unang napansin ko talaga eh yung “SELL FISH”. Nilaro lang nila yung word na selfish. Tapos yung bangus republic na term, naalala ko lang yung republic of the Philippines, tapos natanong ko: marami ba talaga tayong bangus?
P.S. kung may Makita pa ako ay idagdag ko pa. pero sa ngayon ay yan na muna. Lugod kong tatanggapin ang inyong mga komento.
Magandang araw!!
~nerissa cruz~
1:00-2:30 WF
Wednesday, September 24, 2008
signs, signs, and more signs
Nakunan ko ito sa banyo ng Ateneo High School library. Nagpunta kami doon ng mga kaibigan ko para mag-research sa paper namin noong Fourth Year. Ang nasa isip ko noon, "Ang conyo talaga ng mga taga-Arrrneeoo." Puwede naman kasing purong Ingles o Tagalog na lang ang ginamit. Sa ngayon, mahirap nang i-generalize ang mga Atenista o Lasallista man na mga conyo. Marami rin namang iba ang nagsasalita na ng conyo.
Balak ko sanang maglaan ng araw na mag-ikot at kumuha ng mga litrato para sa proyektong ito pero hindi ko na ako nakagawa ng oras para doon. Buti na lang at marami-rami naman akong nakita sa araw-araw kong "paglalakbay."
mukha pang nakaturo ito mismo sa banyo ng mga babae.
tama lang na maglagay sila ng mga karatulang tulad nito.
Sana nga lang ay marami sila para mapabilis ang trabaho. :p
Hindi masyadong malinaw ang nakasulat sa likod ng damit ng mama.
Ang nakalagay dito ay "FASTRAK Services, Inc."
Na-research ko na ito ay isang outsourcing o offshoring industry.
Nagaabang ako ng trak sana na tulad sa mga halimbawang naipakita.
Ngunit ito ang nakuha ko sa may Magallanes.
Mabuti man ang nais iparating ng may-ari ng dyip,
mali ang pagkakasulat at nagiging tao si Thank.
Halatang nag-aayos si Manong Beare ng mga bentilador.
Maaayos niya ang bentilador mo "while...you wait!"
(Nakita ko rin ang ganitong parirala sa Blessings sa FC. 'While "you" wait' naman.)
Ito naman ay nakuha ko sa tabi ng Metrowalk.
Nagkataon na nadaanan namin ito at kinunan ko ng litrato.
Hindi pa ako nakakapasok dito at hindi ko alam
kung anong klase ng pagkain ang sini-serve dito.
'Di kaya English? Comfort food na pala ito? Joke lang!
Nang makaipon na ako ng mga litrato, naisip ko na mas maigi nga na hindi ako nakapag-ikot dahil sigurado rin namang may makikita akong mga karatula na kailangan ko. Kahit dati pa man ito naitakda, siguradong may mga karatula na ring makukunan noon. Walang pinipiling panahon at lugar ang mga karatula.
Ipinapahiwatig nito na ang wikang Ingles ay may napakalaking impluwensiya sa mga Pilipino kahit na minsan ay mali ang paggamit dito. May mga pagkakataon din naman na tama naman ang mga salitang nakalagay sa karatula, ngunit mukhang hindi pa rin ito naiintindihan ng ilan. ;p
Monday, September 22, 2008
Hinggil sa Ulat sa Wika at Uring Panlipunan
Merong limang batayang uri sa lipunang Pilipino batay sa libro ni Amado Guerrero (Chapter 3 Part 2):
1. Panginoong Maylupa (Landlord)
2. Malaking Burgesyang Kumprador (Big Comprador Bourgeoisie)
3. Gitnang Burgesya/Pambansang Burgesya (Middle/National Bourgeoisie)
4. Petiburgesya (Peti-Bourgeoisie)
5. Manggagawa (Working Class/Proletaryado)
6. Magsasaka (Farmers/Peasants)
Mahalaga ang panunuring ito ni Guerrero sa pagsusuri ng lipunang Pilipino. Isang materyal ito na hindi gaanong ginagamit sa akademya (o maging sa iba pang larangan) dahil sa mapangahas na oryentasyon nitong sumasagka sa dominanteng ideolohiya sa bansa at nag-aalok ito ng alternatibong/rebolusyonaryong lapit sa araling pulitika. Hindi iilan, halimbawa, ang naniniwala na mahalagang matukoy ang uring kinapapalooban ninyo para mabatid kung sino ang nagtataguyod, at sa kabilang banda'y sumasagka, sa pagsulong ng bansa tungo sa makamasa, makabayan, at siyentipikong antas nito. Inihahain ko sa inyo ngayon ang artikulong ito para analisahin ninyo sa buo ng inyong makakaya, at gamitin din bilang batayan at lunsaran sa pagsusuri sa ugnayan ng wika at uring panlipunan.
Tunguhin ng aktibidad na ito ang mabatid, kahit pahapyaw lamang, ang paraan ng pagsasalita ng bawat uri. Batay na rin sa marami-rami na ring talakayan sa klase, hindi lamang nangangahulugan ang "pagsasalita" ng kung Ingles ba o Filipino o Tagalog ang wikang ginagamit nila--bagaman sa isang banda ay mahalaga pa rin ito. Gaya ng napatunayan na natin sa klase, higit pa rito ang dinamismo ng wika. Naniniwala ako na mababatid sa paraan ng pananalita ng tao hindi lamang ang kinapapalooban niyang uri kundi ang ideolohiyang namumuno sa kaniya (pwedeng basahin ang mga awtor na sina Bakhtin, Volosinov, Gramsci atbp. hinggil dito). Sa ibang larangan ng akademya, hindi "pananalita" ang ginagamit nila, kundi, tinatawag nila itong "diskurso"--partikular ang mga self-proclaimed postmodernists. Diskurso ang tawag nila rito dahil naniniwala sila na ang mga senyas (salita, imahe, bagay, produkto at iba pa) ay naghahatid din ng iba't ibang pagpapakahulugan. Halimbawa, naniniwala sila na kaya maraming pampaputing produkto at maraming nagpapadaan sa medical operations para tumangos ang ilong ay dahil sa "colonial mentality" ng bansa. Ang nakakalimutang gawin ng mga postmodernista ay ang ikawing ang mga panlipunang trend na ito sa pang-ekonomiyang kalagayan ng bansa. Nakakalimutan nilang sabihin na higit pa sa "colonial mentality", malaki ang partisipasyon ng malalaking burgesya komprador para mahubog ang pag-iisip ng masang Pilipino na "maganda ang maputi". Tandaan na ang mga malaking burgesyang kumprador ang nagdadala ng mga produktong ito sa Pilipinas. Tinutukoy ng mga postmodernista bilang salarin ang isang konsepto (colonial mentality) at hindi ang isang malinaw na uring panlipunan. Ang problema dito ay mahirap labanan o sagkaan ang isang konsepto laluna sa panahong binabaha ng ideolohiya ng naghaharing-uri ang lahat ng uri ng mass media sa bansa. Relatibong magiging mas madali hindi lamang sa pagsusuri kundi maging sa pagtukoy ng mga alternatibong hakbang sa isang lipunan kung tutukuyin ang uring panlipunan na pasimuno ng mga diskursong tinutukoy ng mga postmodernista. Alam kong komplikado ang gawaing ito pero maaari natin itong subukang gawin, kahit man lang para magsimula kayong masanay sa ganitong uri ng pag-aanalisa. Isang uri ng pagsusuri na kadalasa'y hindi itinuturo sa paaralan.
Inaatasan kayo na magdala ng halimbawa o sampol ng pananalita ng bawat uri. Gagamitin kong halimbawa ang pinost ni Eileen (na statement ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa file section ng yahoogroup natin) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga guide questions (Eileen and group, wag sana kayong mailimita sa mga tanong kong ito):
1. Saang uring panlipunan nanggaling ang statement na ito? (obvious naman ang sagot, magsasaka)
2. Batay sa statement, anu-ano ang mga pangunahing concern ng mga magsasaka sa Pilipinas? Ano ang tunguhin nila?
3. Batay sa statement, anu-ano ang mga pangunahing pinoproblema nila?
4. Anong wika ang ginagamit nila? Bakit kaya?
5. Anu-ano ang mga salitang madalas na lumalabas sa statement? Bakit kaya?
6. Sa mga uri sa Pilipinas, pinakamarami ang bilang na napapaloob sa uring Magsasaka. Sa isang organisadong grupo ng magsasaka nanggaling ang statement na ito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi nila? Bago ba o luma ang impormasyon na ito sa iyo? Bakit kaya?
May iba sa inyo na advertisement ang gagamitin. Tandaan ninyo na iba ang oryentasyon ng advertisement sa isang political statement. Marketing ang pinangagalingan ng una, pulitika ang pangalawa. Mas maraming naaabot ang advertisement, relatibong iilan lang ang nakakabasa o nakakarinig ng political statement (laluna ng grupong magsasaka at manggagawa). Higit sa lahat, ang mga myembro lang ng matataas na uring panlipunan ang may pera para magpalabas ng mga advertisement, sila rin ang may kakayanang busalan ang tinig ng mga uring magsasaka at manggagawa (basahin ang blog hinggil sa binanggit ni Pinky na sigalot sa Nestle).
Sunday, September 21, 2008
Isang Tugon hinggil sa Ulat tungkol sa Wika at Uring Panlipunan
(galing kay abby)
**********
hindi talaga wika ang dapat na focus ninyo, ibig sabihin, hindi naman grammar o sentence ang pinag-uusapan. nung sinabi kong tuklasin ninyo kung "paano magsalita ang napili ninyong uri", ang ibig kong sabihin, sa papaanong paraan nila tinatangkang protektahan ang uri nila, o sa kaso ng mga naghaharing uri (landlord at burgesya), kung papaano nila tinatangkang mapanatili ang current status ng lipunan kung saan sila nagdodomina. naniniwala kasi ako na makikita ito sa mga pananalita nila laluna sa mga kasong nakakapag-stir ng kasalukuyang kaayusan ng lipunan, laluna kung lumalabas sa mass media, gaya ng naganap sa luicita.
Conyo here, Conyo there, Conyo everywhere!
Ako ang nagmungkahi kay Sir Siao na kung pwedeng mapag-usapan ang paksang ito. Naisip ko kasing papatok ito sa ating klase lalo na at pinag-aaralan natin ang iba't ibang uri ng paggamit ng wika maging anu mang lengguahe ang gamit.
Noong Miyerkules sa aming klase(10-11:30), mayroong isang estudyante na gumamit nitong conyomandments bilang magiging panimula ng aming talakayan noon na "Language and Class". Tunay na nakakaaliw dahil lumaganap na pala iyon. Naging masaya at puno ng sigla ang lahat sa pagpapalit ng kuro-kuro ukol sa paksa maaaring nang dahil na rin sa paggamit nitong "10 Conyomandments".
Maging si Sir ay nagulat sa biglaang dagsa ng ideya sa klase. At tulad ng kanyang nasabi, naging patok sa lahat ang ganitong uri ng paksa dahil napapanahon ang mga tulad nito. Kaya hindi na rin magiging kataka-taka pa kung kinulang din kami sa aming talakayan. Ang bawat isa ay may mga natatanging karanasan na may kaugnayan dito. At dahil sa mga palitan na ito, marami kaming napag-alaman na posibleng naging ugat ng ganitong uri ng pananalita.
Marahil ang ilan sa atin ngayon ay nag-iisip na rin kung mga Conyotics din tayo. May mga basehan naman para masabing kabilang ka. Ngunit hindi naman ito sinasabing magtatakda na ng isang hadlang upang hindi magkaroon ng ugnayan. Tulad nga ng nasabi ng iba sa klase namin, may mga kanya-kanyang dahilan sa kabila ng mga tinatawag na conyo.
Nakatutuwang isispin dahil tila lumalawak na rin ang ganitong usapin. Hindi nakakasawang pag-usapan at magbibigay ng samu't saring pananaw na bubuo sa bawat kamalayan ng lahat. Sabi nga ni Sir, hindi pa raw ito ang kabuuan. (Grabe, kulang pa pala!)
Maaaring ang ilan sa atin ngayon ay napapaisip na, pero huwag mag-alala kapatid, hindi ka nag-iisa! ='P Kanya-kanyang trip lang 'yan. Sakyan na lang natin. (^-^)
Ten Conyomandments
by Gerry Avelino and Arik Abu
(taken from The La Sallian-Menagerie)
1. Thou shall make gamit "make+pandiwa" .
ex. "Let's make pasok na to our class!"
"Wait lang! I'm making kain pa!"
"Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?"
2. Thou shall make kalat "noh", "diba" and "eh" in your pangungusap.
ex. "I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?"
"What ba: stop nga being maarte noh?"
"Eh as if you want naman also, diba?"
3. When making describe a whatever, always say "It's SO pang-uri!"
ex. "It's so malaki, you know, and so mainit!"
"I know right? So sarap nga, eh!"
"You're making me inggit naman.. I'll make bili nga my own burger."
4. When you are lalaki, make parang punctuation "dude", 'tsong" or "pare"
ex. "Dude, ENGANAL is so hirap, pare."
"I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh"
5. Thou shall know you know? I know right!
ex. "My bag is so bigat today, you know"
"I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!"
6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex. "I have so many tigyawats, oh!"
7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. "Like, it's so init naman!"
"Yah! The aircon, it's, like sira!"
8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. "Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?"
"It's so tight nga there, eh, you know, masikip?"
9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?"
ex. "Like, OMG! It's like traffic sa LRT"
"I know right? It's so kaka!"
"Kaka?"
"Kakaasar!"
10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. "I'm, like, making aral at the Arrhneo!"
"Me naman, I'm from Lazzahl!"
Inaasahan ko ang inyong mga opinyon, violent reaction, hinanakit at anu pa. Happy blogging!
~Lady of 10-11:30 class
more catchy establishment names
Nakunan ko ito sa may palabas na ng UP. Sabi ng ilang kakilala ko, may iba't-ibang branches na rin ito tulad ng nasa may Krus na Ligas. Kita dito na ginaya ang brand name na "Osh Kosh" na isang kids' apparel.
Heto naman ang nakunan kong isang Barber's Shop sa SM Fairview. Mula sa salitang airport na kung saan luma-landing ang mga eroplano, ginawa itong "Hairport" na kung saan "luma-landing" ang mga nagpapagupit. ü
Heto pa ang isa pang establishment sa SM Fairview. Kung tama ang pagkakaalala ko, magkatabi o halos magkatabi lang sila ng Shūbizz. Ang pangunahing binebenta ng store na ito ay accessories, hence its name, Axxezz.
Thursday, September 18, 2008
pinoy creativity
Nakita ko ito sa bulletin board ng CHK. 'Wazzup bro?', isang pagbating pinaikli mula sa what's up brother?
isang komiks sa dyaryong Libre. Pinagsamang unggoy at inggitero. Noong araw na ito, isang joke tungkol sa tatay ang nandito.
Mula ito sa Plato Wraps. Marami sa mga food stands ngayon ay gumagamit ng mga pangalang nagmula sa mga existing words katulad nitong wrap 'n roll na galing sa rock and roll.
Sa robinsons place manila ko ito nakita. Karaniwang ginagamit ang omg bilang shortcut ng oh my god! o kaya oh my gosh!. pero ito, oh my gifts! ang ibig sabihin ng omg.
Marahil nagmamadali lang ang mga gumawa nito. Napansin ko kasing ~kibala~ ang nakalagay na dapat ay "kabila". Nakita ko ito malapit sa CS at mula ito sa mga manggagawa roon.
'Oohh Lala' ang pinagmulan nito. Ang eau ay galing sa 'eau de toilette' o toilet water at ito na rin ang sikat na tawag sa mga pabango.
Una ko itong nadiskubre sa gilid ng AS. Isang food stand na nagtitinda ng pagkaing nakapaibabaw sa inumin. Kerrimo ang tawag na nagmula sa CARRY MO dahil madali siyang dalhin (ata).
First part pa lang ito at sana'y makakita pa ako ng mas maraming signs upang maibahagi sa inyo..
~jazelle~
Tuesday, September 9, 2008
Naudlot na Tiny Bubbles business
Una muna sa lahat, pasensya na kasi 'di ako nakapag-provide ng pictures para sa mga establishment names na nakalista sa ibaba. Ito'y pinadala lang kasi sa e-mail ko at gusto ko itong i-share sa lahat. May mga nakita na ako na ilang establishments kaso 'di pa ganoon kadami kung kaya't 'di ko pa magawan ng album sa yahoogroups natin.
Anyway, hayaan niyo muna akong magkuwento ng kaunti sa aming experience sa mga funny at witty establishment names.
Mahilig akong mangarap. Simple lang naman. Gusto kong lang naman yumaman, magkaroon ng kotse... makaangat sa buhay. Lahat na yata ng pwedeng maisip na pwedeng pagkakitaan naisip ko na sa dami ng pinangarap ko sa buhay.ü Isa na nga doon ang palagiang pag-iisip na makapag-franchise ng isang fast food chain tulad ng Jollibee at McDonald's na madaling kumita. Pero, naisip ko din naman na malaki-laking puhunan din ang kakailanganin doon at, aminin natin, 'di biro ang pag-franchise ng ganoong mga kalaking mga food chains, so cancel na agad 'yun.
Gaya nga ng mga nakalista sa ibaba, muntik na kami magkaroon ng business. Sayang! tsk tsk. Binuo na ang konsepto ng produktong ibebenta. Sila Tatay ko at uncle ang nag-brainstorm para mabuo 'yun. Nagtatanong nga sa Papa sa'min na ano ba magandang pangalan. Isang sabong panglaba ang dapat na magiging produkto na ibebenta namin na may pangalang: Tiny Bubbles! Nakakatawa na may dating na ka-corny-han, 'di ba? Iyon daw kasi ang mabenta sa masa, ayon sa aking Tatay: corny at nakakatawa. Kung hindi corny o nakakatawa, hindi ito papansinin ng masa, hence, 'di mabibili, o kahit man lang subukan, ang produkto. Tama nga naman.
Ang mga Pinoy talaga, lahat ng pwedeng maisip na gimik sa produkto, maiisip o naisip na. Ang mga Pinoy kasi, napaka-creative at mapansinin masyado sa mga "corny" o mga kahit anong nakakatawang bagay. Gaya ng nasa ibaba, makikita niyo ang ilang mga establishments sa Pilipinas na may mga ganitong ka-catchy na pangalan. 'Di ko nga alam kung totoo bang nag-e-exist ang ilan sa mga ito eh.ü
Here's the list. Have a good laugh!ü
1. Parlor in San Juan is named "Cut & Face".
2. Wholesaler of balut in Sto.Tomas, Batangas:"Starducks ".
3. Fast food eatery in Nueva Ecija: "Violybee"
4. Internet cafe opened among squatters named "Cafe Pindot".
5. In Manila , there's a laundry named, "Summa Cum Laundry".
6. Petshop in Ortigas: "Pussies and Bitches".
7. A pet shop in Kamuning: "Pakita Mo Pet Mo".
8. Bakery: "Bread Pit".
9. Bank in Alabang: "Alabank".
10. Restaurant in Pampanga named, "Mekeni Rogers".
11. Restaurant in Pasig : "Johnny's Fried Chicken:The 'Fried' of Marikina ".
12. A boxing gym: "Blow Jab".
13. A tombstone maker in Antipolo: "Lito Lapida".
14. A copy center in Sikatuna Village called "Pakopya ni Edgar".
15. A beerhouse in Cavite called, "Chickpoint" .
16. Laundromat in Sikatuna: " Star Wash : Attack of the Clothes".
17. Internet cafe in Taguig named, n@kopi@.
18. Name of a kambingan, "Sa Goat Kita".
19. A salon somewhere, "Curl Up And Dye".
20. A lugawan in Sta. Maria, Bulacan: "Gee Congee".
21. A water refilling station in Dapitan named "Wa-Thirst"
22. A store selling feeds for chickens: "Robocock".
23. Shoe repair in Marikina : "Dr. Shoe-Bago".
24. Shoe repair store along Commonwealth, "SHOEPERMAN: we will HEEL you,save your SOLE, and even DYE for you".
25. Petshop: "Petness First"
26. Flower shop: "Susan's Roses".
27.Taxicab: "Income Taxi".
28. A 2nd hand watch store: "2nd Time Around".
29. A squid stall in a wet market: "Pusit to the Limit".
30. A shrimp store: "Hipon Coming Back".
31. A gay lawyer's extension office: " Nota Republic ".
32. A ceiling installer: " Kisame Street ".
33. A car repair shop: "Bangga ka 'day?"
34. An aquatic pet store in Malolos: "Fih Be With You".
35. A fishball cart named, "Poke Poke".
36. A beauty salon: "Saudia Hairlines".
37. A bakery: "Anak Ng Tinapay".
38. A resto along Mayon road in Manila : "May Lisa Eatery".
39. Laundry shop: "Wash Your Problem".
40. This mobile massage business name isn't funny, but their slogan is:"Asian Mobile Massage Service: Massage only, God is watching".
41. Ice cream parlor: "Dila Lang Ang Katapat".
42. Chicharon store: "Chicha Hut".
43. Neighborhood pizza store: "Pizza Hot".
44. A fishball cart near UST: "Eat My Balls".
45. A barbershop in Cagayan de Oro: "Pinoy Big Barber".
46. A Resto: "The Last Supper".
47. A goto resto: "Goto Ko Pa!"
48. A peanut vendor's cart with a funny name:"Mani ni Papa".
49. A gym in Malolos: " Gaymann Fitness Center ".
50. My brother's party needs business: "Balloon-Balloonan" .
51. A Chinese restaurant in Pasig : "Lah-Fang"
52. A store selling fresh chicken, owned by woman named Dina: "Dina FreshChicken".
53. An actual bait and tackle shop in U.S. : "The Master Baiter".
54. Panaderia: "Trimonay Bakeshop".
55. Salon: "Hair Dot Comb".
56. Signage on a restaurant: "We are open 25 hrs. a day - no lunch/dinnerbreaks!
Saturday, September 6, 2008
Gender biased Filipino languages
Nung huli naming klase kay Sir Siao, marami akong nalaman tungkol sa mga origin of words, gender-based languages issues, etc. Di ko naman sinasabi na wala akong alam dito pero mas napalawak pa ang pagkatuto at awareness ko dito. Language and Gender ang topic namin last time.
Anyway, nung nag-search ako sa internet, kaunti lamang ang nagsusulat tunkol sa mga any gender based topics sa Pinas. Mostly, they say Filipino language is not sexist. In my opinion, I can agree with it.
Citing an article na nakuha ko sa Pinoycentric.com (http://pinoycentric.com/2008/02/14/onli-noypi/)
Filipinos are good linguists. The article emphasized that Filipinos can easily learn other dialects and languages. In fact, an average Pinoy can speak or at least understand at least three languages: his dialect (Waray or Cebuano, for instance), Filipino, and English.
Lapiz also pointed out that Filipino language is not sexist. We have many gender-sensitive or neutral words like asawa (husband or wife), anak (son or daughter), magulang (father or mother), kapatid (brother or sister), biyenan (father-in-law or mother-in-law) , manugang (son- or daughter-in- law), and bayani (hero or heroine).
At ito pa,
Tagalog, like other Philippine languages, is gender-neutral; pronouns do not even have specific genders.
However, because Tagalog has had over three centuries of Spanish influence, gender is usually differentiated in certain Spanish loanwords by way of the suffixes -o (masculine) and -a (feminine). These words mostly refer to ethnicities, occupations, and family. Some examples are: Pilipino/Pilipina (Filipino/a), Pinoy/Pinay (nickname for a Filipino person) Amerikano/Amerikana (American), tindero/tindera (vendor), inhinyero/inhinyera (engineer), tito/tita (uncle/aunt), manong/manang (elder brother/sister), and lolo/lola (grandfather/grandmother).
An exception to this would be presidente (president) which, as in standard Spanish, refers to both males and females.
Pero sa tingin ko, common na iyan sa atin at ito pa ang maituturing na normal na sa ating lahat. Kakaunti nga lang ang classification ng babae o lalaki na languages compared to other countries. Kung iisipin, may mga pang-araw-araw tayo na lenggwahe na applicable lang sa babae at lalaki, iba pa yun sa mga bading (gay lingo).
May nakita ako na related article na halos related sa discussion ni Sir Siao sa klase namin. Nakita ko ito sa isang blog: http://katrina.stuartsantiago.com/
Title niya ay: A Dose of Self-Conscious Pinoy Machismo
More of male side ito (syempre lalaki yung awtor). More on gender-based writing ito.
Tingnan at basahin niyo (kung may time kayo) na lamang ang article na i-po-post ko sa ibaba.
If there’s anything that made me pick up Isang Napakalaking Kaastigan by Vlad Bautista Gonzales, it was its size and title - the same things that allow me to pick up books by Milflores Publishing more often than I would any other publishing house. There’s something easy and light about the way their books are packaged, something that calls out to you as you browse through the Filipiniana section of any bookstore. And with prices that are almost always only equivalent to the price of a large cup of coffee in your neighborhood Starbucks, it’s easy to shell out for their seemingly endless set of new releases.
Gonzales’ book of essays though also had the word “astig” going for it. A word that the author himself swears to using, but really only has a flimsy because broad description for what it actually is. In the essay with the same title as the book, the word “astig” is allowed a life all its own: “Kahit saan ako pumunta may astig. Sa bahay, may astig. Sa eskuwela, may astig. Sa TV at saka sa DVD, may astig. Minsan may nagtsismis sa’kin, astig daw ako. Hindi ako naniwala (102).”
And yet, it is this instability of definitions that allows for the book itself to bank on the notion of the “astig” - whether it means to or not. Particularly to a female reader, it is the one thing that allows for the book of essays to be digestible at the very least, and downright enjoyable at most.
This is of course not to say that Gonzales’ essays are politically incorrect as far as gender issues are concerned. In fact, what he employs as male essayist, obviously talking about Pinoy male experiences, is a self-conscious - if not self-deprecating - tone. Usually beginning to tell a sexist joke by precisely saying it is sexist; more often than not speaking of male experiences (such as Military Science, or issues with other males in the family, or conversations with friends) and noting that it is precisely Pinoy ka-macho-han that is the point.
But beyond the male-female dynamic that this self-conscious Pinoy macho voice dares deal with - rare enough on this side of patriarchal Philippines - Isang Napakalaking Kaastigan has much more to offer.
For the generation to which Gonzales belongs, there is familiarity in the book’s nostalgic turn towards the lives we lived in the 90s. We are reminded by these essays that the shows we watched, the music we listened to, the roads we traveled, were by and large the same; we are told that the lives we lived then were intertwined by the technology we had (TV and cassette tapes), and learned to get used to (pirated DVDs and computers); we are made to imagine that we are bound together by the malls we started to frequent, and the changing landscape of consumerism that we began to live and believe.
It is here that Gonzales’ writing becomes even more integral to his telling of the lives he has lived, and continues to do so. In the throes of neo-coloniality and its contingent effects on contemporary culture, the form that Gonzales uses to keep his readers interested is as important as what it is he actually says.
Gonzales’ use of the essay as form, is in fact a reclaiming of a space that in recent years has come to be equated with the woman writer. Through the non-fiction narrative, the woman has been allowed her own voice and experiences - a writing back against the patriarchy that has oppressed her. With Gonzales’ self-conscious, gender-correct, use of the form in telling the lives he has lived within the expectations of becoming a full-blooded Pinoy macho, he himself may be seen as someone who writes back against this patriarchy.
It becomes clear throughout the essays in the book, that the Pinoy male is also as much oppressed and repressed by patriarchy’s expectations of its own self. That the length of the essays is sometimes as short and as experimental as blog entries is telling as well of how these experiences are dependent on memory - selective as that may be. That the experiences are almost always funny, if not downright hilarious, is telling as well of the things that memory keeps, and the ways in which we cope with the things that oppress us.
Another aspect of form that can’t be left unsaid is the language that Gonzales chooses to write in. Using a Filipino that’s easy and comfortable to read, that shifts to English when it must, Isang Napakalaking Kaastigan is representative as well of a generation grappling with the issues neo-coloniality in the forms of available technology and the changing urban landscape. What Gonzales ends up treating readers to is a language that’s urban vernacular at its best - the kind that we use everyday, but which we are told, isn’t the kind of language we can write in. Because it’s too informal, or is just not done.
But Gonzales proves it can be done. In fact, through Isang Napakalaking Kaastigan, he proves many things to be possible for the Pinoy male writer: the use of a perspective that’s critical of his “macho” self, and that’s self-conscious about the sexism that his culture allows him; finding affinity with the form of the essay and its recent function as response to patriarchal literary production; the unapologetic use of a Filipino language that disregards academic notions of acceptable writing.
In the end, and probably without knowing it, Gonzales has in fact defined what it is that makes his writing astig. And as a full-blooded female reader, I can only agree and say: “Astiiiiig!”
If you like to comment directly to the author, the link is provided above. Thanks!
-Abby Villaflor
1:00-2:30PM (WF)
Thursday, September 4, 2008
Stall names and ads
Mapapansin na hindi sinusunod ng mga ito ang tamang pagbaybay ng mga salita at may halong paglalaro sa mga letra.
Karaniwan na ang mga ganito ngayon lalo na sa mga text messages, chat messages at e-mails. Sa mga text messages lalo na ang mula sa mga early teens at ilang teenagers, ang "s" ay ginagawang "z", ang p ay ginagawang "f", ang "b" ay ginagawang "v" at minsan, ang dulo ng mga salita ay nilalagyan pa ng "h" kahit di naman kailangan.
Dahil siguro sa uso ito at madaling makatawag ng pansin, ini-apply ang ganitong istilo sa mga pangalan ng business establishments.
katulad din ito ng nasa itaas na larawan. Dito, pinalitan ng "v" ang "b" sa salitang labandera, naging "lavandera mo". kinausap ko ang nagbabantay at tinanong ko rin siya kung bakit un ang pangalan ng laundry shop nila, at ang ibinigay niya ngang dahilan ay mas nakakatawag daw ito ng pansin sa mga tao.
Nakita ko ang poster na ito habang nakasakay ako sa tricycle sa Parañaque. Agad nitong naagaw ang pansin ko, ang "kaibigan" ay ginawang "kai-Vigan". isa pala itong food stall sa Lianas at ang mga pagkaing tinda nila ay mga kilalang luto mula sa Vigan, Ilocos.
Ito naman ay larawan ng Logistics company sa Parañaque, ginawa itong LEOgistics. Gabi na nung kinunan ko ang larawang ito kaya di ko na nagawang makakuha ng impormasyon kung bakit leogistics ang ipinangalan dito. Naisip ko na lang na siguro, Leo ang pangalan ng may-ari.
Isa naman itong halimbawa ng salitang Ingles na binaybay sa tagalog na pamamaraan. "quick", naging "kwik".
larawan naman ito ng promo poster ng Lot's a Pizza. Ang Wonderful ay naging Onederful.
Ad naman ito ng NAIA. "we go the extra SMILE". Parang double meaning ang dating nito, we go the extra MILE, and along the way, passengers can expect to see SMiLE from the airport personnels.
halimbawa naman ito ng paggamit ng isang sikat o kilalang pangalan. Hango mula kay Harry Potter ang pangalan ng bilyarang ito sa Baclaran, naging Harry Spotter.
Tuesday, September 2, 2008
Entertaining Signs
Kaugnay ng special project na ibinigay ni Sir Siao ay naghanap ako ng mga bagay na maaring kunan ng larawan at i-post sa ating group. Ito na po yung mga larawan na ipinasok ko sa yahoogroup natin. Nakunan ko ang mga ito sa paglilibot ko sa UP at sa aming lugar malapit sa SM North EDSA. Napakiusapan ko rin ang aking kapatid na kunan ng larawan ang ilang mga foodstalls sa loob ng PUP Sta. Mesa (nabanggit kasi niya sa akin na marami daw kakatwang pangalan ng stalls doon)
Mga Pangalan ng Negosyo
Sumisitsit ang pangalan ng tindahan na ito sa PUP Sta. Mesa
Ang sign na ito ay nakuha ko sa harapan ng parking area ng isang internet shop. Noong una ay nagtataka ako kung bakit naging itlog related ang name ng net cafe na ito hanggang sa marealize ko na ang Itlogerz ay hango sa salitang I.T. loggers.
Isa naman itong pangalan ng laundry shop sa Road 8 , Pag-asa, Quezon City. Hango sa salitang what's up what's up
Mga Babala, Patalastas Atbp.
Nagbabanta ang babala na ito sa sinumang susuway. Bagamat seryoso ay napangiti ako nang mabasa ko ang sign na ito. Natagpuan ko ito sa may terminal ng FX sa Bago Bantay, Quezon City.
laVandera?
Mali ang spelling ng Text---bakit naging texe? natagpuan ko ito sa Palawan St. Sto. Cristo, Quezon City
Isang patalastas ito na naghahanap ng isang English tutor. Mukhang mali ang pagkakagamit niya ng mga salita. natagpuan ko ito sa UP malapit sa main library
Ito ang kabuuan ng add na una nang nabanggit
I need a tutor
I am 1st year high school
I want only females
I want teacher who can teach me English, Science, Math
I want tutor who are and not absent
I WANT TUTOR TO BE SINCERITY
Magaling mag-isip ang nagpaskil ng patalastas na ito. Tiyak na siya sa kwalipikasyon ng sinumang taong lalapit sa kanya.
Ang patalastas na ito ay nagbuhat sa Dulaang UP. Nakakatuwang magpantig ng mga salita....ngayon lang ako nakabasa ng ganitong add. Ang tono na nabubuo habang binibigkas ang mga salita ay angkop sa mensahe at tanong sa add na ito.
Ang add na ito ay natagpuan ko sa UP College of Law. Naghahanap sila ng mga babaeng basketball players ngunit sa halip na balls ang gamitin, ginamit nila ay belles...sa wikang filipino ang belle ay maganda
Nakakatawag ng atensyon ang patalastas na ito dahil sa ginamit na titulo.
Narito ang kabuuan ng add sa taas.
Isa itong add para sa ACLE noong nakaraaang Agosto. Ginamit nila ang titulo ng sikat na pelikula na Sex and the City upang bumuo ng sarili nilang titulo. Ang kanilang topic ay tungkol reproductive health.
Note: Yung ibang pictures ko pala dito ay may logo ng multiply kasi kinopya ko lang yung URL galing sa mutliply account ko. Ayaw kasing mag-upload ng files ko kapag browser ang ginagamit.
--Krystel Hervosa