Sunday, August 31, 2008

Filipino Word Play


Dahil sa nabanggit na proyekto ni Sir Siao tungkol sa Word Play, nakakuha ako ng mga litrato tungkol dito. Napatunayan ko na napakalawak ng imahinasyon ng mga Pilipino at mahilig mag-adapt ng mga sikat na pelikula, establishments, phrases, etc. at gawin itong related sa kanilang business.


Ilan ito sa mga litrato na nakunan ko kailan lang:

Ang popular na Pinoy Big Burger na hango sa Pinoy Big Brother. Nakita ko ito sa may Kalayaan Avenue. Actually, madami na itong branches sa mall.


Big Mak! Sa may Anonas. Halata naman na hango ito sa Big Mac ng McDo.


Ito naman ay isang salon sa Anonas din. Imbis na sikat- chikat na! Marahil dahil na rin sa usong-uso na gay lingo. Mapapansin na puro "ch" ang simula ng salita sa lenggwaheng ito.


Nakikita naman sa imahe na ito'y money changer. Di ko maisip kung farewell or free will ang hango nito. Assumption: Marahil dapat bukas sa loob mo ang pagpapautang o kaya naman ay hindi labag sa kalooban mo.

Ang pinakapaborito ko sa lahat- Wishing Well to Washing Well. May pagka-related naman siya dahil sa elemento ng tubig.

Kung nais ninyong makita ang iba ko pang pics na nakuha, maari lamang na bumisita sa Yahoo! Groups natin. (fil40nisiao).

Isa nga pala ako sa mga estudyante ni Sir Siao, Fil40class. Masaya ako dahil ginawa niya ako na isa sa mga awtor ng blog na ito.

I'm looking forward to your comments and pictures in our Yahoo! Groups.

-Abby Villaflor
Fil40 (1:00-2:30PM WF)

Tuesday, August 19, 2008

Foreign Films sa Filipino

'Di ba sabi ko sa inyo marami sa mga jokes sa Pilipinas ay linguistically-based. Mula sa mga knock-knock jokes hanggang sa use _____ in a sentence. May nag-email sa akin ng listahan na ito ng mga hollywood films na sinubukang isalin sa wikang Filipino, pero obviously ginawa iyon para magpatawa. Hindi ako magtataka kung may mga language nationalist na maiirita sa joke gaya nito. Pero nakakatuwa ang creativity ng nakaisip ng mga translation na ito.

1. Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
2. Dead Man’s Chest - Dodo ng Patay
3. I Know What You Did Last Summer - Uyy… aminin!
4. Love, Actually - Sa Totoo lang, Pag-ibig
5. Million Dollar Baby - 50 Milliong Pisong Sanggol (it depends on the exchange rate of the country)
6. The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
7. Mary Poppins - Si Mariang may Putok

8. Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
9. The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero kapag Dumutdot laging Dalawang Beses
10. Sum of all Fears - Takot mo, Takot ko, Takot Nating Lahat

11. Swordfish - Talakitok
12. Pretty Woman - Ganda ng Lola mo
13. Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
14. Four Weddings and a Funeral - Kahit 4 na Beses ka pang Magpakasal, Mamamatay ka rin
15. The Good, The Bad and the Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat

16. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone - Adik si Harry, Tumira ng Shabu
17. Click - Isang Pindot ka Lang
18. Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala / Bumigay sa Bundok
19. The Day of the Dead - Ayaw Tumayo (ng mga patay)
20. Waterworld - Basang-basa
21. There’s Something about Mary - May Kwan sa Ano ni Maria
22. Employee of the Month - Ang Sipsip
23. Resident Evil - Ang Biyenan
24. Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
25. The Grudge - Lintik lang ang Walang Ganti
26. Nightmare Before Christmas - Binangungot sa Noche Buena
27. Never been Kissed - Pangit Kasi
28. Gone in 60 Seconds - 1 Round, Tulog
29. The Fast and the Furious - Ang bitin, Galit
30. Too Fast, Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
31. Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit tayo Nag-park?
32. Beauty and the Beast - Ang Asawa ko at ang Nanay nya
33. The Lord of the Rings - Ang Alahero

Monday, August 18, 2008

Wika at Pinoy Sexy Films

Hindi ko matandaan kung saang class ko tinalakay ang Pinoy sexy films at kung bakit ko natalakay ito. Gayunpaman, ibubukas ko na rin sa talakayang ito ang naturang paksa. Interesting ang genre na ito ng Philippine cinema dahil isa ito sa mga pinakabuhay sa pelikulang Pilipino. Merong pantawag dito sa bawat dekada mula nang lumabas ito noong 1960s. Bomba noong dekada 60. Wet look noong dekada 70. ST o Sex Trip noong dekada 80. TF o titillating film noong dekada 90. Pero tila wala pa sa kasalukuyang bagong milenyo.

Dalawa ang posibleng etimolohiya ng "bomba" noong 60s. Sa Amerika, simula 1954, ginamit ang salitang "bomb" bilang kasingkahulugan ng "tagumpay" na siguradong dulot din ng mga tagumpay na nakamit sa pageeksperimento sa malalakas na tipo ng bomba (dam busters, hydrogen bomb). Sa panahon ding ito lubhang kumuha ng mga impluwensiya sa Hollywood ang marami sa mga movie producers. Pero ang pinakamatinding impluwensiya sa pagkakaroon ng terminong ito ay ang tagumpay ng hydrogen bomb experiments sa Bikini Atoll noong 1950s.

Kasama sa mga ipinagbawal sa panahon ng Batas Militar ni Marcos simula 1972 ang bomba films. Napilitan tuloy ang mga manlilikha ng pelikula na irebisa ang paraan ng paggawa ng sexy films. Imbis na ipakita ang nakahubad na babae, at para makalusot sa sensura, binasa na lamang nila ang suot na kamison. Pinakasikat sa ganitong uri ng pelikula si Gloria Diaz sa pelikulang Pinakamagandang Babae sa Balat ng Lupa (1974).

Noong 80s naman nauso ang ST films na in-adapt ni Manny Villar sa slogan niyang "Sipag at Tiyaga, Sikap at Talino" noong pambansang halalan ng ay 2001. Sa dekada 90 naman huling nagkaroon ng kataga ang Pinoy Sexy Film sa anyo ng TF. Marahil, dahil na rin sa tindi ng sensura sa kasalukuyang dekada, kasamang naglaho ang termino kasabay ng paghina ng naturang industriya.

GMA 7 at ang Buwan ng Wika

Kasalukuyang lumalabas sa GMA 7 channel ang patalastas nila hinggil sa "Buwan ng Wika." Nakakatuwa na sinabi sa patalastas na ito ang pangungusap na "Mahal ko ang aking wika" sa walong pangunahing wika sa Pilipinas (Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Waray, Ilonggo, Cebuano, at Tagalog). Gayunpaman, nakakabahala na sa kabila ng nagmimistulang promosyon sa mga wika sa Pilipinas at pagmamahal sa sariling wika, nananatiling blangko ang mga katagang iyon. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagmamahal sa wika?

Bago maging "Buwan ng Wika" ang buwan ng Agosto, kinilala muna ang isang linggo sa buwang ito bilang "Linggo ng Wika." Nakabase ang taunang selebrasyong pangwikang ito sa kaarawan ni Manuel Quezon. Tinaguriang "Ama ng Wikang Pilipino" si Quezon dahil noong panahong hinuhubog pa lang ang konstitusyong 1935 para sa Commonwealth Government, si Quezon ang nagtulak para sa pagpapahalaga sa wikang pambansa. Dahil sa noong 1930s din sumiklab ang posibilidad ng paglaya sa kolonyalismong Amerikano, panahon iyon ng matinding nasyonalismo sa bansa. Kaakibat ng pagka-bansang ito ang pagkakaroon ng "Pambansang Wika". Dalawang pangunahing school of thought noon. Una, pinanukala ng kampo ni Assemblyman Wenceslao Vinzons (oo, Vinzons ng Vinzons Hall) ang pagbuo ng pambansang wika na base sa lahat ng wika sa Pilipinas. Pangalawa, pinanukala ni Quezon ang paggamit sa wikang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika. Dahil sa kilalang pulitikal na kapangyarihan ni Quezon, ang ipinanukala niyang wikang pambansa ang naipasa sa Constitutional Convention. Maraming dahilan kung bakit Tagalog ang ipinilit ni Quezon. Tagalog ang wika sa Maynila na sentro ng bansa. Tagalog din ang wika sa Tayabas na kinapanganakan ni Quezon. "Quezon" ang tawag sa kasalukuyan sa dating probinsya ng "Tayabas."

Dahil sa Agosto pinanganak si Quezon, Agosto rin ang buwan ng wika. Sa pagkakaalam ko, tanging ang Unibersidad ng Pilipinas ang hindi nagdiriwang ng "linggo" o "buwan ng wika". Sa pangunguna ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, itinigil ng UP ang pagdiriwang nito noong unang kalahati ng dekada 90. Bakit nga naman hindi, kung tanging sa isang linggo lamang, tanging sa isang buwan lamang nagkakaroon ng pagpapahalaga sa wikang pambansa? Wikang Pambansa. Wika ito na dapat pinapahalagahan ng buong bansa sa bawat araw ng taon! Sa susunod na buwan, wala na ang patalstas na iyon ng GMA 7. Pustahan pa tayo.

Dolphy, Panchito, Robin at Wika sa Mass Media

Sa tinagal-tagal ng panahon, parating ginagamit ng mass mediang Pilipino ang wika bilang instrumento ng katatawanan. Ang walang-kamatayang pagsasalin (translation) ng kanta halimbawa nina Dolphy at Panchito. Ang “carabao speech” ni Jimmy Santos, na bagaman nalaos na ay panaka-nakang naririnig pa rin sa Eat Bulaga.” Ang pinaghalong showbiz at pulitika sa “erap-tion” ng dating Pangulong Joseph Estrada. Ang pagsikat ni Alyssa Alano dahil sa pagkanta niya ng “Kiss Me” (Keys Me) na matiyagang ginawan ng videoke-type na youtube video. Nitong mga nakaraang araw, isang advertisement ni Robin Padilla ang nakatawag ng aking pansin. Sa ad ng produktong LungCair Plus, nagbigay ng ilang pangungusap si Robin hinggil sa ineendorsong food supplement gamit ang wikang Ingles. Bilang pagtatapos, aniya, “ayos ba mga ‘tol? Ang galling kong mag-Ingles ano? Dibdibang usapan kasi ‘to.” Dalawa ang ibig niyang sabihin sa huling kataga. Una, dibdibang usapan iyon dahil sa para sa lungs ang naturang food supplement. Pangalawa, na dulot na rin ng malinaw na pagkaunawa ng advertiser sa kultura at kasabihang Pilipino, seryoso ang usapan. Malaki ang implikasyon ng mga ito sa pulitika ng wika sa Pilipinas. Sa mga unang halimbawa (Dolphy, Panchito, Jimmy Santos, Erap, Alyssa Alano), nagiging kasiya-siya kung hindi man katawa-tawa ang mga taong hindi marunong mag-Ingles o di marunong bumigkas ng mga salita sa Ingles. Sa halimbawang Robin Padilla, tanging sa wikang Ingles lamang maipaparating ang mga seryosong usapin. Kaakibat ng ugnayang panlipunang ito ang sistemang ideolohikal na nagbibigay ng sobrang importansya sa wikang Ingles habang pinababayaan ang intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa. Sa palagay ninyo, ganito pa rin ba ang kalakaran sa kasalukuyan? Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa gamit ang iba’t ibang mass medium—tv, musika, sine, internet at iba pa.

Wednesday, August 13, 2008

Umbrella/Payong (10-11:30 class)

Ito ang nahanap kong popular na translation ng kantang "Umbrella" ni Rihanna. At least dalawang bersyon na sa Filipino ang narinig ko sa TV pero ito ang naaalala kong mas ginagamit. Bukas sa anumang komento ang blog na ito. Available sa youtube ang english at filipino version ng kantang ito kung gusto nyong pakinggan.

You have my heart
And we'll never be worlds apart
May be in magazines
But you'll still be my star
Baby cause in the dark
You can't see shiny cars
And that's when you need me there
With you I'll always share
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

These fancy things, will never come in between
You're part of my entity, here for Infinity
When the war has took it's part
When the world has dealt it's cards
If the hand is hard, together we'll mend your heart
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

You can run into my arms
It's OK don't be alarmed
Come here to me
There's no distance in between our love
So go on and let the rain pour
I'll be all you need and more
Because

[Chorus]
When the sun shines, we’ll shine together
Told you I'll be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out till the end
Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

It's raining
Ooh baby it's raining
Baby come here to me
Come here to me
It's raining
Oh baby it's raining

=============================

pangarap ko
sana tayo’y di magkalayo
ang tangi kong hiling
ay ang pag-ibig mo

dahil sa ‘ting mundo
ikaw ay matutukso
ningning at karangyaan
ang nais makamtan
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag kang lalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

ating bituin
kailan ba mararating
tayo’y magniningning
pagkatapos nang dilim

umiikot ang mundo
para sa akin at sa yo
liliwanag ang lahat
pag-ibig ay sapat
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag ka lang malalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

sukob na sa payong ko
yakap ko ang init mo’t tanggulan (tanggulan)
kahit bumuhos ang ulan
payong ko’y nakalaan
di ba

kahit umulan man o umaraw
payong ko’y iyong maaasahan
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

kahit ang bagyo ay kakayanin
huwag ka lang malalayo sa akin
di ka na mababasa nang ulan
di ka na mababasa nang ulan

di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde
mababasa nang ulan
di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

umuulan ohh umuulan… umuulan…
umuulan ohh umuulan… ohh umuulan… umuulan… (2x)

Dyosa (8:30-10 class)

Gaya ng napag-usapan sa klase, malaki ang implikasyong panlipunan ng pagpapalabas ng ABS-CBN ng isang telepantasya gaya ng Dyosa. Pangunahin nang dahilan ang pagtatangka nitong gamitin ang mitolohiya o folk tradition ng mga Pilipino. Para sa mga walang ideya hinggil sa naturang palabas, pwedeng bisitahin ang wikipedia entry hinggil dito.

Dahil nasa Filipino 40 tayo, pansinin ang paggamit ng wika sa naturang telepantasya. Noong pinanood ko ang unang episode, di ko naiwasang ikumpara ito sa Encantadia ng GMA 7. Noong sinubukan kong panoorin ilang taon na ang nakakaraan ang Encantadia, naaalala kong natuwa ako sa tangka (attempt) ng mga manunulat ng GMA na kahit papaano'y maging consistent sa paggamit ng wika. Siguro dahil sa karamihan sa eksena ay nasa lugar na kung tawagin ay Encantadia, tinangka ng karamihan sa mga character na gumamit ng "lumang Tagalog". Malaki ang pagkakaiba sa Dyosa. Ang unang eksena ay nasa isang mistikal na lugar. Malinaw na gumamit si Miki Ferriols (Mariang Sinukuan) ng lumang Tagalog. May iilan na nagtangkang magsalita gaya ni Sinukuan pero malinaw na nahirapan i-maintain ang pananalita. May iba naman na sobrang kontemporaryo na ang paraan ng pagsasalita. Linguistically, magulo ang set-up ng naturang palabas. Meron pa ba kayong ibang napapansin?

Ulat nina Pinky, Pat, at Gab (1-2:30 class)

Hindi nagkaroon ng sapat na panahon para pag-usapan ang ulat kanina nina Pinky, Pat, at Gab. Batay sa pagkakaintindi ko, ilan sa mahahalagang punto na inilabas nila ay ang sumusunod (nilimita ko lang sa iilan). Ano ang masasabi ninyo hinggil sa mga ito?

1. Malaki ang impluwensiya ng mass media sa ideolohiya. Simula nang magkaroon ng iba't ibang paraan ng pamamahayag, ilang kagulat-gulat na reaksyon ang naitala sa kasaysayan. Isa ngang halimbawa rito ang hoax hinggil sa mga punong tinubuan ng spaghetti noodles sa Europa. Pero isang anyo lang ito ng lakas na dala ng mass media. Batay sa pagkakaintindi ninyo sa ideolohiya at batay sa pag-uusap natin hinggil sa ideolohiya (ISA, panopticon at iba pa), sa paanong paraan nagiging impluwensyal ang mass media sa ideolohiya sa lipunang Pilipino?

2. Mahalaga ang binanggit ni Pinky hinggil sa strike ng mga manggagawa sa Nestle. Sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at ugnayang panlipunan sa bansang Pilipinas, isa sa mga pangunahing opresadong uri ang uring manggagawa. Isang kilalang teoretista ang tumukoy sa tinaguriang "alienation" ng mga manggagawa. Sa madaling salita, dahil sa tipo ng trabahong kinapapalooban ng mga manggagawa, nae-alienate sila sa sarili nila, sa mga kapwa manggagawa, sa produktong nilikha nila, at sa lipunang kinapapalooban nila. Sa paulit-ulit na trabahong ginagawa nila, parang di na sila tao; dahil sa kahirapan, maraming manggagawa ang nag-aagawan sa iilang available na trabaho na nagiging dahilan ng lalong pagbaba ng sweldo at pagtindi ng opresyon sa workplace; bagaman sa kanila ang mga kamay na lumikha ng mga produkto, di nabibili ng mismong mga manggagawa ang kanilang produkto. Lahat ng ito ay limitado pa lang sa loob ng factory, paano pa kaya sa labas ng pagawaan. Modo ng produksyon (mode of production) ang tawag sa ganitong uri ng pagsusuri. Maganda ang punto ni Pinky na dahil sa modo ng produksyon meron tayo sa Pilipinas, hindi gaanong naibabalita ang ganitong uri ng tunggalian (social struggle) sa mass media. Tandaan na una sa lahat, business pa rin ang mass media. Higit sa impormasyon at entertainment, kita (profit) pa rin ang tunguhin ng halos lahat ng uri ng mass medium.

3. Binanggit ni Pat ang hinggil sa RP at accent sa TV. Sa Pilipinas, may mga punto (accent) ang mga mananalita sa telebisyon, tunog-Batangeno (Leo martinez), tunog-"Bisaya" (Yoyoy Villame, Annabelle Rama), at iba pa. Pero mas matinding usapin ang malinaw na demarkasyon sa pagita ng wikang Filipino at wikang Ingles. Sa anong mga klaseng palabas sa TV madalas ginagamit ang Filipino/Ingles? Bakit sa palagay ninyo merong ganitong klase ng demarkasyon? Magbigay ng mga ispesipikong halimbawa (pangalan ng palabas, partikular na mga artista/personalidad).

4. Nabanggit ni Gab ang relatibong equality sa internet sa paraang kahit na sinong Pilipino ay may kakayahan na na magsalita at mapakinggan gamit ang internet--blogging, mailing list, virtual groups, social utility et iba pa. Pero merong realidad na malaking porsyento ng mamamayang Pilipino ang walang internet access. Sa pinakahuling survey, 16% o mga 14-15 million na Pilipino lang ang nakakagamit ng internet--kasama na rito ang mga nagrerent ng internet pangunahin para sa internet gaming.